🧛🏻‍♂️CHAPTER 10🧛🏻‍♂️

443 Words
“Ang lamig!” sabi ko ng makatampisaw na ako sa tubig. Napaka kulay bughaw ang tubig at sobrang linaw. Katulad ng mga mata ni Damian ang kulay ng tubig. Speaking of Damian, nasaan na kayo iyun? “Avril, dito tayo sa malalim!” sigaw ni Jake. Napangiti naman ako. Nasa malalim na sila ng parte ng tubig at lumalangoy na sila. “Hubarin mo ang damit mo para makalangoy ka ng maayos.” sabi naman ni Lily, mga naka suot pangloob lang sila. Tumango naman ako at hinubad ang damit ko. Inilagay ko ito sa batohan at lumangoy ako papalapit sa kanila. “Ang lalim naman dito!” sabi ko na ikinatawa naman nila. “Malamang malalim nga, diba?” Napasimangot naman ako sa sinabi ni Stevan. Napaka sungit ka ng taong ito. “Kailangan pa ba talagang hubarin mo ang damit mo bago maligo?” Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig kong may nagsalita sa isip ko. Boses yun ni Damian ah! Napatingin ako sa paligid pero hindi ko siya makita. Nasaan kaya ang bampira na iyun? At pinapanood niya talaga kami? Nangbubusó na naman ata ang bampira na iyun! Nakita na nga niya ang katawan ko kagabi eh tapos ito na naman siya! Umahon naman ako sa tubig at sinuot ang damit ko. “Saan ka pupunta?” tanong ni Kanor ng mapansin na aalis ako. Napatingin ako sa kanila, “Dito lang ako, huwag kayong mag alala hindi ako lalayo.” Tumango naman sila at naglakad na ako paalis sa batis. Hinanap ko naman si Damian. Nasaan kaya nagtatago ang bampira na iyun? “Bakit mo ako hinahanap?” Napaigta naman ako sa gulat ng bigla siyang sumulpot sa harap ko. “Ano ba! Nakakagulat ka naman.” nakasimangot kong sambit. “Bakit mo ako hinahanap?” tanong niya ulit, hindi pinansin ang sinabi ko. Nameywang naman ako, “Binubusóhan mo ba kami?” “Ikaw lang, hindi sila.” Nanlaki naman ang mga mata ko. Inamin talaga niyang binubósohan niya kami— este ako! “Ang mànyàk mong bampira!” sigaw ko sa kanya. Napaismid naman siya, “Magiging akin ka din naman.” Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. “Umalis ka na nga.” Umiling naman siya, “Ayoko, babantayan kita.” Ang kulit! Paano nalang kung kailangan siya sa kaharian niya nila diba? “May kanang kamay naman ako, kayang kaya niya iyun.” Nababasa niya ang iniisip ko! Oo nga pala, may mga kapangyarihan ang mga bampira na bumasa sa mga iniisip ng tao. Kailangan ko atang mag suot ng helmet. Baka tumalab iyun para hindi niya mabasa ang iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD