Episode 4 (Sofia POV)

1175 Words
"What the?! Are you serious beb?" hindi makapaniwalang tanong ni Less sa akin. Ako naman itong naguguluhan at hindi ko ito maintindihan. Pareho na kami nitong nakabihis papuntang school. "What do you mean?" tanong ko rito habang abala sa pag-aayos ng ilang gamit ko sa bag. Bigla naman nitong hinawakan ang balikat ko na siyang ikinabigla ko. "Bakit ganiyan ang outfit mo? And look, ang itsura mo? Beb naman, hindi itinatago ang ganda, dapat inilalabas iyan. Ano bang trip mo?" nakasimangot na sermon nito sa akin. Hindi ko tuloy naiwasang matawa sa reaksyon nito. Nanlalaki kasi ang mga mata nito at halatang disgusto ito sa nakikita. "I want to be a simple. Ayokong agawin ng atensyon," maikling sagot ko rito habang nangingiti. Bigla naman itong nagpapadyak na para bang bata at hindi matanggap ang sinabi ko. "Beb naman, you can be a simple but not like that! Bakit mo naman ginawang manang ang suot mo, itinago mo pa ang kagandahan ng mukha mo, pati magandang katawan mo, itinago mo sa mahahabang kasuotan mo!" reklamo nito. "Tss, masanay ka na mula ngayon. Ito ang magiging look ko kapag papasok tayo ng school. Ayaw mo noon, hindi ka na mahihiyang kasama ako, kasi malala pa ang itsura ko sayo," wika ko rito. Tinapunan naman ako nito ng masamang tingin na tinawanan ko lang. Sa loob kasi ng linggong nakalipas, mabilis kaming nagkagaanan ng loob. "Kung ako lang, may kagandahan ng tulad saiyo, siguradong ilalantad ko. Sayang naman kung matatapos ang college life natin na manatili kang ganiyan beb," malungkot na wika nito. Hindi na lang ako umimik, ng magsalita ulit ito. "Ano ba beb, ang main reason mo at napagdesisyunan mong mag-ayos ng ganiyang nerd na itsura? Nerd na nga ako, pero mas malala pa ang makeup na ginamit mo eh!" wika nito na siyang ikinahagalpak ko ng tawa. Paano naman kasi habang nagsasalita ito, halatang-halata rito ang pagka-disgusto sa itsurang ginawa ko sa sarili. "Gusto ko lang ngang maging simple at ayokong agawin ng atensyon kaya itinago ko ang totoong mukha ko," wika ko rito. "I think you might be wrong beb. Hindi mo ba naisip na puwede ka nilang bully-hin? Tayong dalawa? Dahil sa itsura natin. Alam mo naman mayamang University ang pinasukan natin kaya, I'm sure na maraming maaarteng babae na maninira sa atin," malungkot na wika nito. Umiling-iling lang ako rito. "Hayaan na lang natin sila. Huwag na lang natin pansinin. Tanggapin mo na lang ang stylish ko. Tara na at baka mahuli pa tayo sa unang pasok natin," pagyaya ko na lang dito. Wala naman itong nagawa kun'di ang sumunod sa akin. Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa makapunta kami sa building ng Architecture. Hindi ko napigilan ang magpakawala ng buntong hininga ng marinig ang bulungan at tawanan sa paligid namin. Same Nerd! Bagay silang maging magkaibigan, they both ugly! Bakit Architech pa ang naisipan ng mga nerd na iyan kuning kurso! Nakaka-badtrip ng araw ang makita ang mga pagmumukha nila, lalo na ang isang babaeng may mask! Ang manang! Mangkukulam siguro kaya ganiyan ang itsura! Iba't-ibang panlalait kaagad ang naririnig namin, ngunit binalewala lang namin iyon hanggang sa dumating ang professor. Pagkatapos ng isang klase, kaagad kaming lumabas ni Less papuntang library. "I told you beb, mararanasan natin ang bully-hin dito. Kung bakit naman kasi nag-ayos ka pa ng ganiyan, madadamay ka pa sa pangbubully nila eh. At least ako, sanay na akong nabubully. Mas mabuting baguhin mo na ang ayos mo bukas," wika ni Less sa akin. Mabilis naman akong umiling dito. "No, beb. Ito na talaga ang plano ko, noon pa. Hayaan mo na lang sila, as long as naman hindi nila tayo sinasaktan." "Eh, paano kung dumating sa point na manakit sila?" tanong nito na ikinatigil ko sa paglalakad. Akmang magsasalita ako ng marinig namin ang tilian ng mga kababaihan. Sabay pa kaming napalingon sa nagkakagulo, sa 'di kalayuan sa amin. Hindi ko tuloy napigilan ang mapakunot-noo dahil sa iritang namumuo sa akin. Kung bakit naman kasi parang biglang nabaliw ang mga kababaihan sa kung sino man ang dumarating. OMG! He's coming! Damn! Mas lalo siyang naging guwapo at hot! Katawan pa lang ulam na! Paano pa kaya ang eggplant niya! He's mine! Huwag mo siyang pagpantasyahan! He's not yours! But he's mine! Mine only! Napapa-iling na lang ako dahil sa pag-aaway ng mga kadalagahan sa kong sino man ang lalaking dumating. At dahil wala naman akong kainte-interesado, kaagad akong humakbang paalis sa maingay na lugar na iyon. Ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng biglang tumili rin ang kaibigan kong si Less. "OMG! My crush is here! Beb! He's here!" natitiling wika nito. Hindi ko tuloy napigilan ang sundan ang tingin nito. Isang grupong kalalakihan ang dumaraan na akala mo mga hari. Binigyan ito ng daan ng mga studyante, lalaki man o babae. Pansin ko rin ang halos baliw na baliw na mga kababaihan dahil sa pagtawag nila sa lalaking kilala ko lang naman sa television o magazine. Ngayon ko lang siya nakita in person. My loves! I'm here! Akin ka lang baby! Kahit one night lang! No! Sa akin ka na lang babe! Mas magaling ako! Napataas ang kilay ko dahil sa mga naririnig kong kalaswaan sa mga bunganga ng mga kababaihan. Bigla na lang akong napamura sa isipan ng marinig ko ang boses ng lalaking walang iba kun'di si Vinz Liam Ho! "You can come on my room babe!" wika ng lalaking si Vinz. Lalo akong nabingi dahil sa tilian at hiyawan ng mga kababaihan na nakisali na rin ang kaibigan kong si Less. At dahil papunta sa direksyon namin ang daan ng grupo ng playboy na lalaking si Vinz kaya kaagad akong tumalikod at umalis doon. Iniwan ko ang kaibigan kong hindi na makausap dahil nakatutok na lang ang mga mata nito sa lalaking babaero. Ngunit bago pa man ako, tumalikod, binigyan ko muna ng pamatay na tingin ang lalaki na akala mo kung sinong napakaguwapo. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako kung saktong nakatingin din ba ito ng tiningnan ko ito ng matalim. Well, medyo may kalayuan naman at may mask naman akong suot, kaya I'm sure naman na hindi niya mapapansin ang matalim kong tingin dito. I hate playboy! Mga lalaking hindi marunong magmahal at makuntento sa isang babae. Isang lalaking walang alam kun'di ang paglaruan ang mga babae! Ilang minuto pa lang akong nasa library ng mapansin ko ang kaibigan kong nangingislap yata ang mga mata nito. Pagkalapit lang nito ay kaagad ko na itong binigyan ng warning. "Huwag kang titili rito kung ayaw mong mapalabas tayong dalawa," wika ko rito. Para naman itong batang tumatango at halatang pinipigilan ang kilig. "Ang guwapo-guwapo niya pala talaga lalo sa personal," pigil ang tili na bulong nito sa akin. Tinapunan ko naman ito ng matalim na tingin. "Mag-aaral ka, o magkukuwento ka lang?" kunwa'y pagsusungit ko rito. Ngumiti pa talaga ang bruha. Muntik pa akong mapatili ng bigla nitong sundutin ang tagiliran ko. Malakas pa naman ang kiliti ko roon. Akmang babatukan ko ito ng umiwas ito habang pigil ang tawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD