"Bes!" gulat at nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko. "Bakit hindi ka nagsabing ngayon ang balik mo? Sana nasundo kita! I miss you!" sunod-sunod nitong wika sabay yakap sa 'kin. "Para surprise," nakangiting wika ko. "Anong supresa mo?" wika rin nito. Pumasok kami sa loob ng dorm. "Heto, lutong probinsya!" Mabilis naman nitong kinuha ang malaking bag na dala ko. "Wow! Minatamis?" Namilog ang mga mata nito. Napailing na lang ako ng sunggaban kaagad nito. Laking mayaman din ang isang 'to. Pero hindi maarte. Nagustuhan nito ang mga luto at gawang probinsya. Sinundan naman ako nito sa kuwarto. "Alam na ba ni Vinz, na ngayon ang balik mo?" tanong nito. Nasa mukha na naman nito ang panunukso. Wala talagang kapaguran ang isang 'to eh. Hilig manukso. "Hindi rin!" nakangiting wika ko. T

