Maaga akong natapos ngayon sa trabaho dahil wala naman kaming ni-video ngayong araw. Nagphotoshoot lang kami ng nakasuot ako ng lingerie at ang ilang picture naman ay nakahubad ako. Kasalukuyan kong nililinis ang apartment ko dahil huling linis ko dito ay noong nakaraang buwan. Nakasuot lang ako ng malaking t-shirt at nakapanty habang naglilinis. Sanay na ako ng ganito nang dahil na rin sa trabaho ko. Nagpupunas ako ng sahig nang biglang may kumatok. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at dumiretso sa pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Fred. "Good Afternoon." nakangiti niyang bati sa akin sabay abot ng isang malaking bouquet at hindi lang iyon dahil may malaking teddy bear pa at chocolates din. "Salamat" ani ko sabay abot ng bouquet at chocolate habang siya naman ay pina

