Kakapanganak ko lang ngaying araw. Sobrang saya ko at halos maluha ng makita ko ang bangong miyembro ng pamilya namin. Babae ang sumunod kay Crisha at pinangalanan namin itong Freda. Nasa kanan ko si Fred habang si Crisha naman ay nasa kaliwa. "Nay, ang cute niya, parang ang sarap itapon sa dagat hihihi" at pianlakihan ko ng mata si Crisha dahil sa sinabi niya. "Joke lang po Nay." Hinayaan ko na hawakan ni Crisha si Freda pero bigla akong nataranta sa ginawa niyang pagpisil sa mukha nito. Palibhasa ay mapisngi ito kaya napanggigilan niya masyado ang pisngi nito. "Ang cute po talaga ni Freda at parehas kaming ngumiti ni Fred sa sinabi niya. "Hello baby Freda, Ako si Ate Crisha, ang maganda mong kapatid." Grabe talaga confidence ng anak ko, Dalawang araw pa kaming nagpakipas sa hospital

