PROLOGUE

1034 Words
Itinigil na rin ni Nathan ang attention na ibinibigay niya kay Alexandria, sa kadahilanang ayaw niyang umabot pa sila ni Tyler sa hindi pagkakaunawaan. He really likes the girl, her beauty is so different. May pagka-concervative din ito. Ito iyong tipo ng babae na pinapangarap ng sino mang lalaki. But destiny didn't allow him to get a chance para sa kanila ni Alex. Natigil siya sa malalim na pag-iisip nang may tumigil na sasakyan, kasalukuyan siyang mag-isa at nakatambay sa private farm nilang magpipinsan. Napakunot noo siya kung sino ang dumating dahil sigurado siya na hindi darating ang mga pinsan. Kinumpirma nila iyon bago siya umalis kanina ng bahay. Tumayo siya mula sa kinauupuan at uminat bago lumapit sa gate na kahoy. Partition iyon mula sa isang pampublikong bahagi ng kanilang farm. Gusto niya ang manatili doon kapag gusto niyang mapag-isa. Tahimik and very solemn ang lugar na iyon. Ideya ni Apollo at Tyler  ang ganitong farm dahil Engineering ang course nila. And they just loved Apollo's proposal. Mayroon silang tiny houses, each of them sa lugar na iyon. Kompleto din ang bawat munting bahay nila sa gamit. Ginawa nila iyon dahil kailangan nilang matulog doon kapag maglalasing silang lima at hindi na kayang mag-drive pa. Parang lumukso ang puso ni Nathan mula sa kanyang dibdib nang bumaba ang isang babae mula sa isang malaki at mataas na motorsiklo. Energica Ego 45 Limited Edition. He knows one dahil mahilig din silang lima sa mamahaling motorsiklo. And They owned different model from different brand.  Napako ang paningin niya nang kinuha ng babae ang helmet sa ulo nito, at sumabog ang mahaba at ash brown na buhok nito. Bumaba ang paningin niya sa katawan ng babae, hapit na hapit ang kulay itim nitong t-shirt na pinatungan ng denim jacket. Kitang-kita ang magandang kurba ng katawan nito. Naka denim shorts din ito at mayroong knee pads pang-motorsiklo ang magkabilang tuhod nito. Matangkad at mahahaba ang legs ng babae, na napakakinis at maputi.  Napalingon ito sa gawi niya nang mapansin nitong nakamasid siya. Napakaganda at maamo ang mukha nito.  Are you lost baby girl?  Gustong matawa ni Nathan sa naisip na linyahan sa isang sexy movie. Pero nangibabaw ang kuryosidad sa kanya kung ano ang ginagawa nito sa bahaging ito ng farm. "What are you doing here, young lady?" seryosong tanong niya na ikinataas ng kilay nito. "I am the one who supposed to ask you that," sabi nito na lumapit pa sa kanya at titig na titig sa kanyang mukha. "Ano ang ginagawa mo dito? Kung balak mong mamasyal, hindi puwede sa bahagi na ito. Naligaw ka ba?" "No, dito ako tinuro ng best friend kong si Freya Beatrice Contreras, para sa gagawin namin na research," at ngayon niya lang napansin ang dala nitong back pack. Kung hindi siya nagkakamali laptop ang laman noon. So, bestfriend pala ito ng pinsang si Bea. "At bakit niya gagawin iyon? Alam niya na hindi kami nagpapasok ng iba dito," nagdududa na tanong niya sa babae. "Gagawin ko ba iyon kung hindi sinabi ni Bea?" sabi nito pero hindi inaalis sa kanyang mukha ang paningin nito. "I don't know you. Isa pa kung kaklase mo nga si Bea bata ka pa pala, yet, your parents allow you to drive that kind of bike," natawa naman ang babae sa sinabi niya. "And why not? My Dad used to be a racer and he supported me sa hilig ko," hindi na siya nakasagot pa nang tinawag siya ni Bea. "Kuya Nathan!" Humahangos na lumapit si Bea sa kanila. Lumapit ito at yumakap sa kanya, saka hinalikan siya sa pisngi. "Bea," sambit niya na hinaplos ang buhok nito.  "Kuya, nagpaalam ako kina kuya Dean na pumunta dito para sa gagawin namin na research. Pinayagan naman  nila ako. And I didn't know na nandito ka pala," malambing nitong sabi, na humahaba pa ang nguso. And she smiles while looking at him, naglalambing na naman ito. Alam nito na hindi nila ito kailan man mahihindian sa gusto nito. They loved this sweet little girl. "Oo naman, hindi ko naman sinabi na hindi ka puwede dito, eh," malambing niyang sabi sa nakakabatang pinsan, while his eyes are on her friend. "By the way Kuya, this is Amara Louise Moreno. My bestfriend. Amara, this is Kuya Zimon Nathaniel Contreras," pakilala nito sa kaibigan. "Nice meeting you, Nathan," tumango lang siya at wala naman siyang dapat na sabihin. Napalis naman ang matamis na ngiti nito dahil sa ginawa niya. "Kuya you're so disgusting, hindi mo man lang kinamayan si Amara," nakalabi na sabi ni Bea. "Bea, it's okay. Nakakahiya," narinig niyang saway ni Amara kay Bea. In her soft and sweet voice that made Nathan's heart skip a beat. "Nice meeting you Amara," linapitan niya ito saka kinamayan, at naramdaman niya ang panlalamig ng palad nito ng dumaiti sa kanyang palad. But it's funny, kahit na malamig ang palad nito pero parang may bolta-boltahe ng kuryente na dumaloy mula sa mga kamay nito hanggang sa kaibuturan ng kanyang mga buto. Napapaso na binitawan niya ang kamay ng babae, pero nanatili ang kanyang mga mata sa magandang mukha nito. "Kuya, kanina pa ako nagsasalita dito. Do you hear me?" agaw pansin ni Bea, hindi niya narinig na nagsalita ito kung hindi siya nito kinalabit sa balikat. "What did you say, Bea?" Tumikhim siya at inalis na ang paningin kay Amara. "I said kung puwede naming gamitin ang tiny house mo, nakalimutan ko kasi na humiram ng susi kanina kay Kuya Dean nang dumaan siya ng bahay," sabi nito na lumapit pa sa kanya at yumakap sa isang braso niya. "Of course Bea, bakit naman hindi," sagot niya na hinayon ang maliit niyang bahay. "Thank you Kuya Nathan. The best talaga kayong lima kaya ko kayo love, eh," natatawa siya dahil alam niyang nambobola na naman ito. "Let's go Amara," yaya nito sa kaibigan. Naiwan siya na nakasunod ang mga mata sa kaibigan ni Bea. The way Amara sways her beautiful hips made him frustrated, at no reason at all. Parang gusto niyang batukan ang sarili sa iniisip. Amara is still young, kaedad lang ni Bea at nakakahiya kung may makakaalam sa iniisip niya. He secretly cursed himself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD