Chapter 1

1559 Words
EPISODE ONE Madelight's POV Hello world and hello Philippines! Sa kabila nang matinding demolisyon sa bayan na sinilangan ko ay nanatili pa rin akong kalmado at matatag. Mahirap mamuhay kapag walang internet, wifi, permanente na C.R, malinis na tubig, at higit sa lahat, permanenting bahay. Lahat ng iyan ay nawala sa akin dahil sa dulot nang letcheng demolisyon na iyon. Ang hirap talagang maging mahirap. Magsisimula na naman ako sa umpisa. As in back to zero again. New life, new friends, new job, new environments, and new world. Eksayted na ako sa new journey ng buhay ko, especially to meet new people around the world. Pagkatapos nang demolisyon ay kaagad naman akong nakalipat dito sa lumang bahay nang tiyahin ko. Besides, no more na nakatira rito kung hindi ako na lang. Abandonado na kasi kaya wala nang nagkakagustong tumira nito kaya ako na lang ang sumubok. No more choice, so I'd chose to grab it at all. Magpapa-choosy pa ba ako? Sanay naman ako sa hirap since birth. But as a matter of fact, nakakapagod maghakot nang mga gamit ngunit hindi ako nawalan nang pagasa dahil natapos ko naman lahat nang buong lakas ko. Nako naman, male-late na ako sa trabaho ko. Nakabisikleta habang mabilis na pinapatakbo ito. Nakakangawit man sa paa, ngunit kailangan kong pagtiisan ang sakit dahil may pangarap pa akong gustong tuparin. Sino ba naman ang hindi mapapagod na magpedal sa layo nang pinanggalingan ko. Sa pagkakaalam ko ay nasa mahigit five hundred meters ang pathway kong iyon. Ang hirap talagang maging mahirap. Buwiset kasi na Mayor iyon, ang sabi niya ay hindi raw niya papaalisin ang mga tao roon sa lumang lugar namin. Dagdag pa niya ay manalo man o matalo sa eleksyon na taong dalawang libo't dalawang pu't dalawa ay hindi niya kami papaalisin sa lupa niya. Subalit sa kasamaang palad ay dinemolis pa rin niya kami. Walang paninindigan sa mga binitawan nyang salita. Iyon ang ugali na mayroon ang Mayor na iyon. Mga salita niya ay sobrang bulok. Hindi siya karapat-dapat na maging isang Mayor sa Land of Hidden Leaf. Balita ko rin ay ang lupang iyon ay matagal nang abandonado ngunit no'ng nalaman nang Mayor na iyon ay kaagad na pinag-aralan, pinagplanuhan at inaplayan niya upang makuha ang lupang Hidden Leaf na ngayon ay pagmamay-ari na niya. Napakalapastanganan niya, wala syang puso. Buti na lang hindi ko siya ibinoto dahil alam ko naman na wala din syang balak na tuparin ang mga salita nyang iyon. Ang Mayor na tinutukoy ko ay nagngangalang Artumas Adtu Ocaut. Anyway, just back to reality. Wala na tayong magagawa pa, nangyari na ang dapat na mangyari. "Excuse me," Iwinagayway ko ang bell ringing sound effect upang makuha nila ang atensyon ko. Ang dami nang tao dito sa Quintana Aldama City Philippines. "Excuse me," Muling iwinagayway ang hawak na ringing bell sound effect. Natatanaw ko na si Sheila, pagkarating ko ay kaagad namang bumaba ako. "Late ka na naman, Madel, bakit nga ba?" Hagulgol ni Sheila habang nakahawak sa tali nang sling bag niya. "Alam mo na, demolition is real. Marami akong inayos sa bago kong bahay." Isinantabi ang lumang bisikleta sa malaking puno at ikinandado ito. Sheila May Smith, that's her completed name. Magan--. Hindi ko na naituloy ang pagpapakilala ko sa kanya dahil sa biglaan nyang paghila sa kamay ko. "Halika na, Madel." Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko papasok sa building nang pinagtatrabahuhan namin. As usual, wala pa si Ma'am. Palagi syang late. Saan pa ba ako magmamana kung hindi sa kanya. Kung late siya, dapat late din ako. Ika nga sa kasabihan, liked mother, liked daughter. For me, liked boss, liked employee. Gano'n lang kasimple. It's very ma-attitude lang ang peg? Kumbaga parang action reaction ang nangyayari. Pero hindi ko naman masisisi si Ma'am kung bakit palagi syang late. World niya iyon, wala akong karapatan para kumontra. Lahat naman nang tao ay may kanya-kanyang sariling pananaw sa buhay. Just understand and respect. Isa rin sa batas na kapag working student ka ay kailangan mong magaga sa kahit anumang bagay. But sad to say, I'm always late. Isa rin sa pagiging mabuting attitude ang maagang pagpasok sa trabaho, paaralan, at bahay. Lalong-lalo na sa sarili mong journey. Katulad nang araw-araw kong ginagawa ay isinuot ko na ang makapal at mainit na mascot na si Dora. Buwis buhay ko itong ginagawa para lang sa malaking halagang pera. Kailangan kong magipon ng maraming salapi nang sagano'n ay matupad ko ang lahat ng mga pangarap ko. Makabili ng sariling bahay at lupa. Magkaroon ng sariling business na magiging tanyag sa buong mundo. Ngunit kailangan ko munang maubos ang lahat ng surveys dito sa loob ng kahon. Ang trabaho ko ay isang distributors or sales agents. Nagsu-surveys katulad ng range of reproductions tungkol sa pinagtatrabahuan kong kumpanya. Ready-framed, pictures, greetings, cards, gifts, and catalogues at marami pang iba. Ang init, makaupo na nga muna ng saglit. Inalis ko ang ulo nang suot kong mascot. Nakaka-stressed, as in. "Ang init talaga ng panahon ngayon." Umupo sa tabi ko si Sheila at pumaypay nang todong-todo gamit ang mga kamay. "Alam ko naman iyon pero basta pera ang pinaguusapan, walang mainit at malamig na panahon para sa akin." Hinawakan ang ulo nang mascot na may diing pagnguso. Pera na iyon tapos magiging bato pa sa huli. "Balang araw ay magkakaroon din ako ng five million dollars." Itinaas ko ang ulo nang mascot at marahang kinurot ang ilong nito. "Baliw ka talaga, paano mo naman makukuha ang gano'ng kalaking pera?" Binatukan niya ako sa ulo. "Aray ko naman, simple lang, sipag at tiyaga lang ang kailangan ko." Itinaas ang hintuturo na naroon ang mga tingin. "Mamamatay ka na nga lang sa init, mangangarap ka pa nang gano'ng kalaki na pera." Naroon pa rin ang mga kamay niya na ipinapaypay ito. "Basta, itutuloy ko pa rin ang mga pangarap kong iyon kahit anumang mangyari." Nakatulalang tumitig sa mga dahon nang puno. "Sa isang araw ay makakaipon ako ng isang libo, sa loob naman ng sampung araw ay magkakaroon ako ng sampung libo. Bale makakaipon na ako ng isang milyon sa loob ng labinlimang taon, kung tama ang kalkulasyon ko." Umunat muna saka bumuntong hininga. "Ang galing mo naman sa math, no'ng online class nga natin sa math hindi mo maintindihan pero ngayon daig mo pa ang civil engineering." Kumamot sa ulo si Sheila. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang desperada mong mangarap ng ganyang kataas." Bumuntong hininga siya na may ding pagiling. "Syempre, iyon ang mga pangarap ko." Naroon pa rin ang mga tingin sa dahon nang puno. "Alam mo, kahit makakuha ka pa ng isang milyon sa loob ng labinlimang taon na iyon ay wala pa rin silbe. Matanda kana kaya sa taong iyon, baka nga patay ka na non, eh." Humalukipkip siya saka naghawi nang buhok. "Basta, kahit anumang hirap ang tatahakin ko ay magpapatuloy pa rin ako. Wala naman masama kung susubukan ko." Nakahawak ang kamay sa baba ko na may diing pagnguso ang bakas. "Sa tingin ko tama ka rin naman." Bigla syang natulala at natigilan sa kakapaypay. "Hoy?" Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Bulaga!" Sigaw ko habang masaya ang tono nang boses. Anong nangyari sa kanya? Bakit bigla syang tumahimik? "M-M-Madelight?" Mga ngiti nyang peke. "Bakit? May nararamdaman ka ba na nanonood sa atin?" Lumaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. "O-o-oo, i-iyon siya. A-ang s-supervisor n-natin." Marahan nyang itinuro ito. Sa gulat ko ay bumuka nang malaki ang bunganga at mga mata ko. Marahan naman lumingon ako mula sa direksyon nang hintuturo ni Sheila habang ang mga ngiti ay unti-unting napapalitan nang mapait na halimuyak. "Hi," Pagkaway ko pa na naroon pa rin ang pilit na mga ngiti. Para syang dragon sa mukha niya. Nakakatakot! "Dali na, Sheila, magpatuloy na tayo sa trabaho natin." Pagkataranta kong isinuot ulit ang ulo nang mascot. "Mabuti pa nga, Madel." Dali-dali naman syang tumayo. Nakakapagod nang bonggang-bongga ang pagsisipag sa pagtatrabaho. Ang sakit sa katawan, para akong matutumba. Finally, I'm home na. Sa awa nang buong may kapal ay mabilis namang naubos ang surveys namin ni Sheila kanina. Worth it na worth it ang pagod namin. Sobra kong namis ang kuwarto kong ito. Nagpagulong-gulong at kinuha ang yayamaning pulyeto. May nakita akong malaking Mansyon dito. Sa sobrang pagkagara nito ay gano'n din naman ka kinang ang istilo. Balang araw ay magkakaroon din ako nang ganitong uri nang Mansyon. Tinignan ko ang maliit na bahay nang laruan ko no'ng maliit pa lamang ako. Nang inilipat ko ang pahina nang pulyeto ay nakita ko naman ang apat na lalaki na ubod nang kakisigan. Ang gu-guwapo naman nila. Labis ang pagkagalak kaya hinawakan ko ang mukha nila kahit sa litrato man lang. Itong isa ay ang pinaka guwapo sa kanilang lahat. Kung titignan ay napakarangal nyang binata. Subalit sa napansin ko sa ngiti niya ay mayroong pagkamasuplado ang hatid. Itong sa katabi niya ay may pagka-chinito at may pagkamasayahing ngiti rin. Itong dalawa naman ay guwapo rin. May pagkakahawig sila sa isat-isa. Parang magkakambal silang apat. Hayst, ang suwerte nila. Guwapo na nga, pinanganak pa sila na mayaman. Ito 'yong sinasabi na pinanganak silang may gatas pa sa labi. Pero hindi bale na, lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang kapalaran. Sumilip ako sa bintana at bumuntong hininga nang malalim habang patuloy na nagmamasid sa langit at mga tanawin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD