Franco's POV
Lumipas ang mga buwan at malapit na kaming makapagtapos ng high school. Nagkalat na rin ang scandal nina Kate at Salazar.
"Torro, nakita mo yung video namin?" Nakangising tanong ni Salazar sa akin.
"No." Sagot ko lang habang nasa basketball court kami.
"Si Solly din sana ang matikman ko, pero bata pa siya." Bulong niya at tiningnan ko siya nang masama.
"Ang kay De Leon ay kay De Leon. Huwag mo na silang pakialaman. Pasalamat ka at hindi ka tinuluyan ni De Leon na ipakulong noong minanyak mo si Solly." Napailing na sagot ko at nakatingin kay Santiago na ang lalim ng iniisip.
"Don't tell Kay De Leon ka na." Inis na sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nilapitan ko si Santiago.
"Okay ka lang?" Tanong ko na tumabi sa kanya.
"Bro, alam kong may tinatago sa akin ang aking mga magulang. My Mom was crying after the doctor asked them.
"Hey, huwag kang mag-isip ng hindi maganda. Sa ating apat, ikaw at si De Leon ang hindi pa nakatikim ng babae. Kung makatikim ka, sigurado ako na lalakas ang iyong katawan." Panunukso ko sa kanya.
"Wala naman akong gusto." Sagot niya na namumula ang kanyang mukha. Natawa na lang ako hanggang sa lumapit na rin si De Leon na parang problemado.
"Bro, paano manligaw ng bata?" Tanong niya at mas lalo akong natawa sa dalawa.
"G*go!" Inis na sambit ni De Leon.
"Gobernador pa man din si Tito, baka sa kulungan ang bagsak mo. Trese pa lang si Solly."
Napailing na lang ako at pagtingin ko kay Salazar ay nakangisi ito na hawak ang kanyang telepono. Lumapit siya sa amin. Umiiyak daw si Kate na nagmamakaawa na huwag ikalat ang kanilang scandal. Dinig na dinig namin na kausap niya si Kate.
"Hindi ko ikinalat, Love, I swear." Sagot niya pero naka ngisi naman.
Dahil sa hiya, hindi na pumasok si Kate at nalaman na lang namin na umalis na ang pamilya nila sa probinsya. Nakapagtapos ako ng high school at sa probinsya rin ako nag-aral ng kolehiyo kasama ang tatlo kong mga kaibigan.
Nang nasa kolehiyo na kami, nagkaroon na naman ako ng mga kasintahan pero napunta kay Salazar . Ang iba ay nagbigay ng interest kina De Leon at Santiago dahil mayaman sila.
"Hoy Santiago, patulan mo na si Alora."Natatawang sabi ni Salazar. Umiling lang si Santiago at may gamit siyang kinuha sa kanyang bag.
"Ano 'yan?" Tanong ko, at malungkot niyang sinabi na may sakit akong malala at hirap ang mga doktor dito sa Pilipinas na gamutin ako. I might go to another country with my parents. Nagulat kaming tatlo. Hindi kami naniwala sa sinabi ni Santiago hanggang sa makita namin ang kanyang medical report.
"Bro, mayaman ang pamilya ninyo. Your life is more important. Kailan ang alis ninyo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko dahil may tumawag sa kanya.
"What!" Sambit niya, tumutulo ang kanyang luha.
"Bro, okay ka lang?" Tanong ni De Leon na humawak sa kanyang braso.
"Nasa hospital sina Daddy at Mommy."
"F*ck let's go!" Sambit ko na agad na inalalayan na siya para lumakad. Halos buhatin na namin siya ni De Leon para makasakay lang sa sasakyan ni De Leon.
Nang nasa sasakyan kamo ay tahimik kaming apat. Nakarating kami sa hospital at hindi magandang balita ang sumalubong sa amin. Dead on the spot ang mga magulang ni Santiago. Nawalan ng malay ang aming kaibigan, kaya kami na ni De Leon ang nag-asikaso sa lahat. Habang si Salazar ang nagbantay sa kanya sa hospital.
Awang-awa ako sa kalagayan ni Santiago kaya inilabas ko na ang tunay na ako. Kami na ni De Leon ang nagpalibing sa mga magulang ni Santiago. Mas lalong lumala ang kalagayan ng aming kaibigan at lagi na siyang tahimik. Tapos ay muntik pa siyang lasunin ni De Leon. Ako man ay hindi ako naniniwala pero nang makita ko ang video na si De Leon ang naglagay ng lason ay itinakwil na namin siyang kaibigan. Anuman ang dahilan niya, hindi ko na inalam pa.
Ako at si Salazar ang umalalay kay Santiago hanggang sa isang araw ay nakangiti siya na parang may nangyari sa kanya.
"Naka-smile ka ata ngayon? dahil ba malapit na ang graduation natin at buhay ka pa? Pabirong tanong ko.
"Bro, masarap pala." Nakangiting sambit niya.
"Anong masarap?"Nagtatakang tanong ko.
"May gumamit sa akin bro.."
"What!" Gulat na sambit ko.
"Sino?"
"Hindi ko alam, basta ginamit niya ako." Natatawa pa rin ako, hindi ako naniniwala sa sinasabi ng kaibigan ko pero atleast pumayag na siyang magpagamot sa ibang bansa.
Pagkatapos ng graduation namin, maraming humabol sa akin na mga babae lalo na at nalaman na talaga nila kung sino ako. Wala na rin kaming komunikasyon pa kay De Leon. Dinala ko ang aking kaibigan sa ibang bansa. Si Salazar at ang kanyang mga magulang ang naiwan para pamunuhan ang mga negosyo at hacienda ni Santiago.
Naging abala na rin ako sa mga negosyo ng aking mga magulang na iniwan sa akin. Manila-America na lang ang ruta ko pabalik-balik. Habang tumatagal ay naging okay na ang kalagayan ni Santiago hanggang sa may sinabi sa akin ang aking isang tauhan na iniwan ko sa bahay ni Santiago.
Matindi daw ngayon ang labanan nina De Leon at Salazar. Ang mga kayamanan ni Santiago ang ginagamit ni Salazar para labanan si De Leon. Hinayaan ko naman dahil traidor naman na kaibigan si De Leon. Hanggang sa umuwi sa probinsya at nalaman ko ang lahat ng kabalustugan na ginawa ni Salazar.
Siya at ang kanyang mga magulang pala ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Santiago. At si Salazar din ang pumeke sa video na ipinakita niya sa akin noon. Siya talaga ang naglagay ng lason sa baso ni Santiago. Gusto nilang angkinin ang mga ari-arian ni Santiago.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si De Leon lalo na at isa ako sa humusga sa kanya. Pagbalik ko sa Amerika ay sinabi ko agad kay Santiago ang lahat ng nalaman ko. Kaya pag bumibisita si Salazar sa kanya ay nagkukunwari siyang mahina at mamatay na.
"Bro, I am okay. Harapin mo na din ang lovelife mo. Look at you wala ka pang asawa at anak habang si De Leon ay may dalaga na at masaya na sila ni Solly."
"Kailangan na harapin ko si De Leon. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya."
"Idamay mo na rin ako. Gusto ko mang bumalik sa Pilipinas, pero hindi pa kompleto ang lahat ng ebidensya laban kay Salazar."
"Ako ang bahala, pasyalan ko lang ang malaking mall na ipinatayo natin." Sabi ko, dahil business partner na kami.
Bumalik ako sa Pilipinas, diretso ako sa mall at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang binata na kamukha ni Santiago noong kabataan namin. Kasama pa niya ang anak ni De Leon. Naalala kong may nakatalik noon si Santiago. Mabilis akong sumalisi sa kanilang dalawa at kumuha ng sample at mga larawan. Ipinadala ko agad kay Santiago at pagkatapos ay dumalaw kay Salazar.
Ang bahay ni Santiago ang pinasukan ko, pero kahit isang larawan ay wala na. Lahat ay larawan ng pamilya ni Salazar na ilalagay sa wall.
"Bakit wala na ang mga lawaran ng mga Santiago?" Pasimpleng tanong ko sa kanya.
"Sinabi ni Santiago sa akin na alisin ko na lang dahil kami naman ang nakatira. Isa pang sinabi niya ay akin na ang bahay na ito. Kasama ang kanyang lahat ng mga ari-arian."
"Ganun ba? Kumusta na pala siya? Wala na akong balita mula noong pumunta siya sa America." Kunwari, tanong ko, mabuti na lang pala at hindi ko sinabi sa kanya noon na sinamahan ko si Santiago sa Amerika.
"So bad not doing well, kaya pinapabilis niya ang pag-aayos ng mga papel para isalin lahat ng mga ari-arian niya sa akin bago kunin ng gobyerno dahil wala naman siyang pamilya."
Napatango lang ako, nagpaalam na. Paalis na sana ako nang marinig ko ang boses ng kanyang anak.
"Tito long time no see!" Bulaslas niya na yumakap sa akin at idinikit ang kanyang malaking dibdib, pero matigas naman. Halatang peke ang kanyang hinaharap. Mukhang malandi din itong anak niya, mabuti na lang at wala ako noong binyag niya dahil baka ibinalik ko na ang kandila sa kanya.
Umigting ang aking mga panga nang maramdaman ko na hinaplos niya ang aking braso at bahagyang pinisil. "I have to go."
"Saan ka pupunta?"
"Sa probinsya nina Lola, may gagawin lang ako." Sagot ko na inalis ang kamay ni Mara sa aking braso at pinisil ko nang malakas. Alam kong nasaktan siya dahil namula ang kanyang mukha.