ASIAA C15 STELLA POV “Pumili ka ng pagkain Kuya,” napansin ko naman na parang nahihiya siya habang nakatingin sa kanyang damit. “’Wag ka po mahihiya, sige na po pumili na kayo.” Nagyuko siya habang napakamot sa kanyang ulo. “Nakakahiya po kasi Ma’am,” “’Wag ka po mahiya, babayaran ko po lahat,” ani ko sa kanya. kanina ko pa kasi siya nakikita sa labas na tumitingin dito sa loob kaya tinawag ko siya. “Pwede po ba Ma’am, na ilabas ko na lang ang pagkain para sa pamilya ko?” “Kumain po muna kayo, bibilhan na lang din natin ang pamilya mo,” maluha-luha naman siyang tumingin sa akin. “Salamat po talaga Ma’am,” ngumiti ako sa kanya habang pumili na siya ng pagkain. “Stella.” Napapikit ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Dinah. Kanina pa ako naiinis habang nasa tapat ko si

