ASIAA C9 STELLA POV “Napakatigas talaga nang ulo mo! Paano kung may nangyari sa ‘yo? Hindi mo alam kung gaano ka-delikado rito!” daldal sa akin ni Dinah. Hmm, akala niya naman natutuwa ako dahil hinanap nila ako. “Ano ba ang gusto mo?” tanong sa akin ni Victor habang hindi ko siya nilingon. “Ibalik n’yo ako sa amin,” sambit ko habang nakatingin pa rin sa bentana nitong kotse. “Alam mong hindi ‘yon maari.” Nilingon ko siya dahil sa kanyang sinabi. “At bakit hindi? Nanay ko si Mama Emily? Bakit hindi n’yo ako pwede ibalik sa kanya?” hindi ko mapigilang mapa-iyak habang nakatingin sa kanila. “Dapat sanayin mo na ang sarili mo na hindi mo siya nakikita,” “Hindi habang buhay mo siya makasama,” “Dahil kinuha n’yo ako!” “Para sa ikabubuti mo!” Muli kong nilingon si Dinah dahil sa pag-s

