ASIAA C18 STELLA POV “Pupunta ka ba?” hindi ako sumagot kay Ate dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. “Stella, dapat pumunta ka,” “Pero Ate?” “Ipakita mo sa kanila na palaban ka na ngayon! ‘wag kang magpapahalata sa kanila Stella na nasasaktan ka! Simula ngayon matuto kang lumaban sa mga taong nang-aapi sa ’yo!” “Pero paano naman kayo ni James Ate? Kayo ang gusto kong makasama sa araw na ‘yon?” Lumapit sa akin si Ate Almira at tinapik ang aking balikat. “Pwede mo kaming makasama Stella, alam mo mas maganda nga na isama mo kami ni James doon.” “Hindi ‘yon pwede Ate! Alam mo ba na alam na ni Eros na anak niya si James!” “Hindi mo naman maipagkakaila ‘yon Stella! Tingnan mo naman ang mukha nang anak mo? Kahit saang anggulo makikita mo talaga ang mukha nang kanyang Am

