"Ano na naman ba ito, ha?!!!"
"Eh, Presidente, ito kasi, oh, ang yabang."
"Anong ako??!"
"Sige, mag-sigawan kayo para pareho kayong malintikan," banta ko sa dalawang ito na parehong nakasimangot habang nagkaharap.
"Kahit hindi, pareho pa rin silang malilintikan sa'yo, eh," bulong sa akin ni Ana, kaya siniko ko siya.
"Anong meron?" biglang sumulpot si Margo, ang bise presidente.
"Eh, kasi itong dalawa, parang mga batang nag-aaway sa hallway. Paano kung makita kayo doon ng principal? Naisip niyo ba kung ano ang mangyayari sa inyo pagkatapos ng away niyo?"
"H-hindi, Presidente."
"Matatanggal kayo rito! Yun ang mangyayari sa inyo. Ikaw, hindi mo na makikita si Sarah; ikaw naman, hindi mo na makikita si Abby. Oh, naisip niyo ba 'yun? Kung sakaling makita kayo ng principal?"
"Oo nga, no."
"Talaga ba, Ann?"
"Tumahimik ka, idadamay kita dito."
"Sorry."
"Oo nga naman, tama si Presidente. Paano na ang mga crush at nililigawan niyo kung matatanggal kayo rito? Baka may pumorma sa kanila pag nagkataon, kawawa naman kayo noon," sang-ayon ni Margo. Tumango-tango naman ako.
'Overthink malala.'
"Tama si Presidente at Bise, ayokong mawala sa akin si Sarah."
"Ako rin, ayoko may pumorma kay Abby."
"Yan, dapat ganyan. Siguro naman mag-aayos na kayo, kasi alam niyo, ayaw ni Abby sa barumbado; si Sarah naman, masyadong mabait para sa isang loko-loko na magiging shota. Baka ayawan kayo ng mga 'yun."
"Mag-aayos na kami, Presidente. Magbabago na kami, 'di ba, Jon?"
"Oo nga, Presidente. Magbabago na kami."
"Good. Ngayon, harapin niyo na ang parusa niyo. Tutal, okay na kayo, edi sabay niyong gawin ang punishment niyo."
"A-ano?"
"Tama! Good luck sa inyo, ah. Tara na, Ana, magroronda pa tayo," sang-ayon ni Margo at hinila si Ana, ang SSG Secretary.
"Aray, naman, dahan-dahan, madadapa ako."
"So, hmm, linisin niyo na lang 'yung gym. Tig-kalahati kayo para fair. 'Yun lang, after noon, pwede na kayo pumasok sa class niyo."
"Pero, Presidente, ayos na kami, ah."
"Oo nga, kaya 'yan na 'yung gagawin niyo. Wag na magreklamo. Pwede? Kung ayaw niyo, madadagdagan 'yang parusa niyo."