CHAPTER 2

1093 Words
*CHAT CONVERSATION* "Bestie Good morning! Nasaan ka?" - Nika. "Kakalabas ko lang ng room bestie, grabe gutom ko kasi muntik na ako malate kaya hindi ako nakapag breakfast." -Chrysha "Bakit hindi ka nakapag breakfast?" -Nika "Kasi nga hindi ko nakapag review kahapon, ang dami ko tuloy gutom." Narinig niya pa ang pagkalam ng sikmura niya matapos niyang isend ang chat sa kaibigan. "Oh siya, bilisan mo na ang pagpunta dito sa canteen. Inorderan na rin kita kasi 30 mins. lang ang vacant natin." paalala ni Nika sa kanya. "Naks! Ang bait ahh. Thank you Bestie!" "Okay lang yon. Basta wag mo akong kalimutan mamaya sa exam. You know i hate English." Natatawa pa si Chrysha pagkabasa ng reply ng kaibigan. "Sus! Kaya naman pala may kapalit. Pero bahala ka alam mong hindi ako nakapag review." biro niya sa kaibigan. "No problem. Kahit naman mag review ka o hindi ay palagi namang ikaw ang highest sa exam." --- "Bakit parang ang tagal mo?" Tanong ni Nika sa kanya kasunod ay iniabot ang isang pack lunch. "Wow! Halatang may kapalit ang lunch ko na to ah bestie ah" tukoy niya sa fried chicken at isang serving ng lecheflan as desert. "San ka ba kasi nanggaling? Akala ko naman dito ka na agad dederecho." habang panay rin ng kain ng lunch nila. "Eh kasi magsi -Cr sana ako kaso ayun ang haba rin ng pila, so ang ending hindi pa rin ako naka-CR." si Chrysha. "Bilisan natin mag-lunch ha bestie?" bilin ni Nika. "Ha? Bakit? Eh 20 mins. na lang ahh mas bibilisan pa natin?" takang tanong niya kay Nika sabay tingin sa suot niyang relo. "May hahanapin tayo!" pabulong na sabi ni Nika sa kanya. "Hahanapin? Bakit may crush ka na rin?" tanong niya kay Nika bago ang nang-aasar na ngiti. "Wala! Loka-loka. Yung new student ang hahanapin natin. Medyo naiintriga kasi ako sa mga naririnig ko tungkol sa kanya. Kung makapag describe sila eh parang sobrang hunk at gwapo nung transferee." kwento ni Nika sa kanya. "Ahh so chismosa lang ang peg natin sa halip magreview pa tayo saglit? Uunahin pa talaga natin yan ha bestie?" biro niya kay Nika. "Hindi naman sa ganon bestie, pero malay mo dito may chance ka. (haha) Baka mamaya magsisi ka kapag mas gwapo to dyan sa AIS mo." Pang-aasar ni Nika kay Chrysha para mapapayag niya ito sa plano niya. "Okay, sige tignan natin. Pero sa tingin ko kasi wala ng mas hihigit pa kay AIS sa paningin ko." tukoy niya kay Alex. "Wala na. Wala ka na talagang pag asa maka-move on dyan!" biro muli ni Nika sa kanya. "Bestie, pwede bang maglambing?" nag-puppy eyes naman agad si Chrysha sa kaibigan. "Ano yun?" tanong rin naman kaagad ni Nika. "Pwedeng magpabili ng soft drinks? Please?" sabay pa cute muli ni Chrysha. "Okay. May magagawa pa ba ako? Edi nabokya ako sa english mamaya." tawanan sila pagkasabi noon ni Nika. Tanaw niya si Nika mula sa di kalayuan, nagpabili siya ngunit may nakalimutan pa rin siyang sabihin kung kaya sinundan niya ito. "Oh bestie? Anong nangyare? Bat naligo ka naman ng sofdrinks?" “Nakuh, long story! Pero beshiii my Gowwwd! Sobrang gwapo niya. Sobrang bango din! Kaya nga kahit nakakahiya na naligo ako ng softdrinks eh hindi masyadong nakaka inis. Hahah!" Mahabang lintanya ni Nika. “So ganun kapag gwapo okay lang matapunan ka ng softdrinks? Pag hindi gwapo bastos or clumsy?" sarap irap niya pakunwari kay Nika. "Alam mo sa halip na sinesermunan mo ako eh sinasamahan mo na lang ako sa CR para magpalit. Buti na lng at lagi akong may dala na extra shirt." ---- "Pero Nikz, Pogi ba talaga?" curious na tanong ni Chrysha habang naghihintay sa labas ng comfort room sa paglabas ni Nika. "Oo nga kasi! Ayaw mong maniwala. Alam mong bihira lang ako maka appreciate ng gwapo. Saka iba kasi yung datingan niya eh. Muka siyang mabango, pero yung mga ganong itsura feeling ko may Girlfriend na yun eh." patuloy niya sa pagkukwento habang hindi naman niya namalayan na wala na pala ang kaibigan na inakala niyang naghihitay ka kanya. "Nikz! Nikz!!!!!" narinig niyang halos patili nang tawag sa kanya ni Chrysha. "Nandito siya Nikz!!! Nandito siya!!!" excited at talaga namang hindi siya magkanda ugaga sa sobrang kakiligan. “Sinong nandito? Teka gurl, relax lang muna. Yan oh now, sino ang tinutukoy mo?" kunyare ay pagsusungit niya sa kaibigan. Kasunod ay parehas silang naglakihan ang mata at halos mapa sigaw sa sobrang tuwa nila. “Teka, hindi ba guni-guni lang yan? Baka jinojoke mo lang ako." Paninigurado ni Nika s kanya. "Oo nga! Actually not just once, but twice ko siyang naka-bangga kanina." kinikilig niya pang sabi. "Ah--alam ko na----, baka nandito ang girlfriend?" sabay taas ng kilay sa pang-aasar kay Chrysha. "Alam mo ganda niyang mga idea mo Nikz, napaka supportive mong friend!" Bigla tuloy akong nakaramdam ng bahagyang lungkot. Bakit nga ba hindi ko naisip yon?! nanghaba tuloy bigla ang nguso ko na kanina lang ay abot tenga ang ngiti. "Eto naman hindi na mabiro! Siyempre joke lang yon. Smile na uli!" Pero natahimik na ang siya hanggang makarating ng Flower shop. CHRYSHA'S POV: Maagang nag out si Annie sa shop kung kaya maaga rin akong magduduty. "Sino yung bisita mo kanina Chrysh? Manliligaw mo ba yun? Ang tiyaga eh na hintayin ka. Kaso pinagmukmok mu lang s loob kasi may iba kang mas priority na dumating." usisa ni Annie sa kanya. "Wait, don't tell me type mo si Arnold?" biglang tanong naman Chrysha Kay Annie. "Uhmmm medyo." sabay ngiti nito sa kanya. "Wait, He left something here for you." Kasunod ay inilabas niya ang isang teddy bear at tulips bouquet n iniwan ni Arnold para kay Chrysha. "Sakin to?!" natuwa rin naman siya pagkakita niya s tulips bouquet. "Di mo ba talaga bet yang si Arnold?" tanong muli ni Annie sa kanya. "Alam mo kung gusto mo si Arnold, ako na ang bahala. Tamang -tama, nagyayaya kasi siyang lumbas ngayon gusto mo bang sumama?" excited naman siyang bigla na yayain si Annie. "Naku! Ayoko no, dalagang filipina yata tong kaibigan mo. Na-cutan lang naman talaga ako sa kanya. Anyway, Ingat and enjoy kayo sa lakad niyo." reply naman uli ni Annie. ------- "Arnold, okay ka lang ba talaga dito? Sorry kasi regular customer na talaga namin siya eh, kailangan ko lang talaga siyang asikasuhin." Paliwanag niya kay Arnold na noon ay hinihintay siya sa kotse nito. "Oo, okay lang naman ako. No problem, take your time. Hintayin lang kita dito." kasunod ay ngumiti ito sa kanya. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD