Chapter 4 : Heartbeat
Boss heto na ang hinihingi ninyo" sabi ni Diego isa sa mga tauhan niya. Inabot nito ang isang brown envelope. "Nasan sina Roger at Javier" tanung ni Marcus."Nauna sila umuwi, may kadate. Sa ilang araw na pagsubaybay namin sa kanya yan lang ang nakuha namin na impormasyon" paliwanag nito at pagkatapos umalis na. Binuksan niya ang laman ng envelope.
Jackilyn Buenavista, 15 years old. scholar, Top 5 in the class and Black Belter, Taekwondo Club at etc.
May 4 na picture ito kasama ang una kuha nagpapractice ng taekwondo, nakapang P.E uniform,nasa classroom nagbabasa ng libro at nasa canteen kasama ang kaibigan nito. Mukhang masaya mood sa kuha nito."Lagi pala niyang kasama ung baklang kaibigan nito.Buwisit pa din ako sa kanya. Napahiya ako dun mabuti at tatlong kumag lang nakakita sa'kin" nasa isip ni Marcus. Natabig niya ang envelope at nahulog ito. Napansin niya may isa pang picture nakaharap ito parang hindi nakikita na may kumukuha sa kanya. Pagpulot niya sa picture nito natulala at lumakas ang t***k ng puso niya."Bakit ganito nararamdaman ko sa tomboy na'to. Nababakla na ba ako? Nagiba yata ang tipo ko sa babae?" "Nababaliw ka na ba Marcus? Siya lang dapat mo gantihan at matalo." usual nito sa sarili. Napailing na lang siya sa naisip."Uy' bes, ba't tulala ka jan don't tell me hindi ka na naman nakatulog ng maayos. Halos hindi mo binabawasan ang spaghetti mo" usisa ni Jill. Nauna itong natapos magsulat kaya pagkatapos ng klase nila sa chemistry dumiretso na ito sa canteen. Sumunod na lamang si Jack dahil medyo mabagal siya magsusulat."Ok lang ako bes dapat nga ako magtanung sayo kung ayos ka lang"
"Oo naman kahit hindi naman ako halos nasaktan nun masaya pa nga ko eh!""Bakit naman?" pagtataka ni Jack dito. "Kasi pinansin niya ko.1st.time yun never ko pa siya nalalapitan o nakakausap" sabi nito habang kinikilig."Halos bugbugin ka na okey lang sayo?" sabay palo sa ulo nito.
"Ouch! naman ang shaket shaket! " sapo nito ang ulo."Naloloka na ko sayo kumain ka na ba? Gusto mo sayo na lang" alok nito ng spaghetti."Hindi na bes, ubusin mo yan magagalit si Lord. Marami ako kinain na lunch kanina busog pa ko maiba nga tayo ba't tulala ka bibihira ka maging ganyan may dapat ba ko malaman?" nakakatitig ito sa kanya kaya tumahimik ito habang inuubos ang spaghetti.
"Magtatampo naku sayo nyan bes naglilihim ka na sakin." "Oo na sige sasabihin ko na. Late tumunog ang alarm clock ko kaya dali dali ako nagasikaso at umalis agad sa bahay. Malapit naku makarating sa gate na may dumaan na nakamotor mabilis ang paandar nila. Sa sobrang lakas hindi nila namalayan nasagi nila ako. Akala ko mapapasubsob ang mukha ko sa semento at may bukol sa ulo. Naramdaman ko may yumakap sakin at iniligtas ako.Nahiya ako kasi nakaibabaw ako sa kanya pagdilat ko mukha ni Marcus ang nakita ko sobrang lapit ng mukha namin 1 inch na lang pagitan ng mga mukha namin malapit na yata ko siya mahalikan"
"OMG ! bes inunahan mo pa ko kay fafa Marcus ang harot" sabay kurot sa tagiliran niya."Aray naman di naman natuloy yon!" "Kung ako yun sinunggaban ko ng halik yun sa lips ang daming nagkandarapa sa kanya tapos pinalagpas mo lang." "Nababaliw ka na ba? ba't ko naman gagawin yun" inis niya dito."Napapirmahan na kami ng ibang students kaya tumayo agad ako. Tinulungan ko siya bumangon. Nagpasalamat ako kahit mukhang naiinis siya sakin. Binalingan nito ung dalawang lalaki sakay sa motor at inumbagan ng tigisang suntok sa sikmura. Inalok ko siya dalhin sa clinic pero tumanggi siya. Kaya dumiretso na din ako sa room." kwento nito.
"Kaya pala tulaley ka jan,mabuti hindi halata kanina sa klase sabihin mo nga sakin nagiging babae ka na ba bes?" "Tigilan mo nga ako alam mo naman na hindi ako magiging katulad ni Annabelle" tinutukoy nito Campus Queen nila sa school. Sobrang sikat ng babae dahil sa maganda na at matalino pa kaya marami nagkakagusto dito."Alam mo bes maganda ka kung di ka titibo-tibo manamit!" habang tinititigan siya nito."Ba't ganyan ka makatitig sakin ha? Wag mo sabihin hindi ka na nagkakagusto sa mga lalaki?" palo sa mesa at halakhak nito."Grabe ka naman napatingin lang ako sayo pero totoo kung naging mahinhin ka tatalbugan mo pa si Annabelle!"
Napailing na lang siya. Mas feel niya ganitong pormahan. Mas gusto niya ng pants kesa sa palda ayaw niya nasisilipan siya. Kailangan niyang magfocus sa pageensayo ng taekwondo at makapagtapos ng pagaaral. Wala siya panahon sa love love na yan."Ba't pumasok sa utak ko ang love na yan erase erase..." sa isip niya."Halika na bes may dalawa pa tayo subject!" hatak nito sa kamay niya. Sabay na sila pumunta sa next class nila. Ang Math pinaka favorite subject nya.
Marcus POV
Maaga ako gumising pagkababa ko hinahanda na ni mama ang almusal namin fried rice,tapa,sunny side up egg at hotdog at mainit na tsokolate."Mabuti gising ka na kumain na tayo" ang yaya ni Mama. Pagkatapos namin kumain naligo na ako at nagayos para pumasok. Sumakay naku ng motor pagpadyak ko hindi na naman umaandar."Ano ba naman yan nakalimutan ko ba pakargahan ng diesel ito? Alam ko marami pa to nung isang linggo" tanung sa sarili.
"Ma' pinagamit mo ba ung motor ko?" tanung ko kay Mama."Ay! oo pinagamit ko muna kay Boyet paghatid sakin sa salon nakalimutan ko palagyan. Sige tatawagan ko siya para pakargahan yan" ang tinutukoy nito ung hair stylist sa salon ni mama brusko ang pangangatawan ngunit pusong mamon.
Wala naku nagawa kundi maglakad na lang. Minsan kahit maganda ang gising mo darating din na papangit ang susunod, kabadtrip!!! Naglakad na lang ako hindi naman masyado malayo sa school kaya exercise din 'to at baka malate pa ko. Bago ako makarating sa gate napalingon ako sa sa likuran ko si Jack mukhang nagmamadali pagtingin ko sa relos ko may 10 mins pa naman. Napalingon ako sa bandang kaliwa. May dumaan na motor sakay nito dalawang lalaki ang bilis magpaandar. May narinig akong tumili pagtingin ko nakita ko si Jack natamaan nito malapit na ito bumagsak mabuti naagapan ko at niyakap ko siya. Napahiga ako habang siya nakadagan sa ibabaw ko.
Pagdilat ng mata ko napatitig ako sa kanya sobrang lapit ng mukha namin. Konting galaw lang at mahahalikan niya ko. Sa unang tingin at ayos niya mapagkamalan mo na lalaki ito pero ngayon ang nakikita ko napakaaamo ng mukha niya ngayon lang ako nakakakita ng perpektong mukha ng isang babae. May narinig kami boses ng mga estudyante lumapit samin kaya tumayo agad ito. Nilahad niya ang palad sakin para tulungan ako tumayo."Marcus,salamat akala ko magkakabukol naku!" "Welcome!" ang sabi ko na lang.Paandarin na nila ang motor pero inunahan ko sila lapitan. Tinitigan ko ng masama at parehas sila bumaba. "Sorry boss Marco ikaw pala yan di namin sinasadya muntik na kayo madisgrasya ito kasi si bentong ang bilis magpaandar." sabi ng unang lalaki
"Sorry boss first time ko gumamit ng motor." sabi ng pangalawang lalaki."Alam nyo ba school ito hindi playground? Ayos ayusin nyo mga ginagawa nyo!" sabay suntok sa sikmura nila. Napangiwi ang dalawa at dali daling umalis. Lumapit naman si Jack sakin at nagsabi"Baka may masakit sayo dadalhin na kita sa clinic""Huwag na okey lang ako akala mo ba sa pagligtas ko sayo okey na sakin ang ginawa mo pwes nagkakamali ka kaya ihanda mo ang sarili mo" sabi ko. Natahimik ito at iniwan ako at pumasok sa room."Baliw ka na ba Marcus? Bakit yun ang sinabi mo? Ba't ganun ang lakas ng t***k ng puso ko mula ng makita ko siya? Kailangan ko pumunta sa clinic baka may gamot soon hindi normal 'to!" sabi ko na lang.Pagdaan ko ng clinic bukas ang pintuan kaya dumiretso ako pumasok. Nakaupo sa lamesa niya si Ms. m*******e ang nurse namin sa school habang nagsusulat. Kumatok ako at tumingin sakin.
"O' ikaw pala Mr.Polinar bakit ang aga mo nandito ka na maaga yata ang paghahamon mo ng away."
usisa nito. Alam ni Nurse Jane na pagpupunta ako dito puro pasa at sugat ang katawan ko. Umupo ako sa silya."Mukhang wala ka naman galos at malinis ang uniform mo... Anu ba ipapaconsult mo sakin? Kasi wala si Doc sumamang nagvolunteer sa kabilang bayan" paliwanag nito.
"Eh! kasi Ms.Jane lately ksi sobrang lakas ng heartbeat ko normal po ba yun?" tanung ko naman."Oo naman lalo naman kung galit na galit ka sa kaaway mo, hehehe...Kuhaan kita ng BP baka highblood ka na kebata bata mo pa" sabi nito."Sige gawin niyo na sakin yan at kahit na anu pa" "Mukhang nagmamadali ka yata oh,sya kukunin ko na ang pang BP."Kinuhaan niya ko tapos ang dami tinanung sakin kulang na lang isulat niya ang talambuhay ko pero syempre maingat pa din mga sinasabi ko sa kanya pagdating sa grupo ko."Normal naman ang blood pressure mo tapos kelan mo nararamdaman ang pagbilis heartbeat mo?" "Kaninang umaga at last week tsaka pag sobra ako naiinis" paliwanag ko.
"May girlfriend ka na ba?" "Wala pero mga nagpapaflirt marami bakit mo naman natanung sakin yan huwag mo sabihin may pagnanasa ka din sakin Ms.Jane" sabay ngisi ko sa kanya.
"Sorry ka na lang di ako pumapatol sa mas bata sakin at ayoko maging sugar mommy no!? Gusto ko ako inaalagaan!" "Siguro napakapihikan mo Ms.Jane kaya hanggang ngayon single ka pa din eh malapit ka na mawala sa kalendaryo sige ka baka mauna pa kita,hahaha!" tudyo ko sa kanya.
"Hoy! 29 years pa lang ako next year pa ko mag thirty. Grabe siya ganun na ba ko katanda tignan eh wala pa naman ako wrinkles sa mukha" sabay hawak sa mukha niya."Joke lang yun,Ms.Jane baby face ka kaya marami napapatingin sayo mga teacher kahit mga estudyante.Alam ko naman siya pa din hinihintay mo di ba?" "Change topic nga tayo tsaka ayoko na pagusapan ang nakaraan. Past is past! Alam ko na kung anu reason ng pagbilis na t***k ng puso mo." "Sige anu yun may gamot ka ba jan? Kung sakali mangyari ulit sa akin ito!" "Di mo na kailangan ng gamot okey naman blood pressure at heart rate mo satingin ko nagbibinata ka na." "Binata na kaya ako kung di lang ako nagcocontrol baka magiging binatang ama nako, ahahaha!" sabay palo nito sa braso ko.
"Tama na yan. "Sige maraming salamat Ms.Jane!" at tumungo naku sa pinto.
"Very welcome! Bumalik ka nalang pag ganyan pa din nararamdaman mo pakisara na lang ng pinto"
"Sorry Ms.Jane pero sa pagkakataon ngayon mali ang sinasabi mo. Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya." bulong nito sa sarili.