Chapter 13

2055 Words
Chapter 13  May mga bagay na sadyang ginawa na ganito ka ngunit may dahilan na pwede mabago ang pananaw mo sa buhay.... Sa malawak na field nakatingin sa kalangitan si Jack dinadama ang simoy ng hangin. Magandang pagmasdan ang langit at tahimik na paligid. Hindi niya namalayan may umupo sa kanyang tabi. "Okey ka lang ba bes?" untag nito sa kanya. "Nandyan ka pala Jill heto okey naman. Sorry hindi kita napansin ang ganda kasi ng langit ngayon..." "Bes pwede ba magtanung sayo? Gusto ko sana yung totoo at wala ka sana ililihim sakin." Napalingon si Jack dito napaisip siya sobrang seryoso ng kaibigan niya.Bilang tugon tumango na lang siya. "May gusto ka na ba kay Marcus?" Nagulat ito sa tanung ngunit ayaw niya maglihim sa kaibigan. Natahimik muna ito. Iniisip nito kung tama ba o mali ang kanyang sasabihin. "Parehas natin nakita ung ginawa ni Greta kay Marcus. Nakikita ko din tinitignan mo siya sa malayo. Ayos lang kung ayaw mo sabihin kasi Silence means Yes hindi ba!" ani nito. Nagdadalawang isip muna siya kung sasabihin ba niya o hindi. Sa huli pinili nito sabihin ang totoo. "Oo aaminin ko na dahil ikaw ang bestfriend ko at ikaw lang mapagka katiwalaan ko. Sana satin dalawa muna ito walang ibang makakaalam" "Sige bes I promise hinding hindi ko sasabihin sa akin lang cross my heart" sabi ni Jill. Napabuntong hininga muna ito bago magsalita. "Tama ka humahanga ako sa kanya... Ewan ko ba? Hindi ko alam paano nagumpisa. Nung una galit na galit ako sa kanya pero nung naging kaibigan natin siya dun ko nakita na mabait at matulungin siya sa kapwa. Ayoko iadmit sa sarili ko pero nung makita ko ang ginawang paghalik ni Greta sa kanya eh.... nagselos ako." mahinang sabi nito. "Ang hirap naman mag selos lalo na't kung hindi naman kayo. Halata naman indenial ka talaga hindi ka rin nakatiis. Paano na yan may karibal na ako kay Marcus.Joke lang! Basta masaya ako para sayo kasi matutupad na ang wish ng papa mo." tudyo ni Jill sa kanya. "Wish ni papa. Anu naman yun aber?"  "Sorry bes hindi ko pwedeng sabihin kasi pagsinabi ko sasabihin ko Kay Marcus may crush ka sa kanya." "Naku bes izipper mo yang bibig mo nagpromise ka na sakin. Huwag na huwag mong ipapaalam kina Papa at Kuya. Humahanga lang ako sa kanya hanggang dun lang yon'. Wala pa sa isip ko ang makiki pagrelasyon." paliwanag ni Jack. "Alam ko na yan bes support naman ako sa'yo di' ba! Anu pa naman mag bestfriend tayo ikaw talaga! Kapag niloko ka ni Marcus jombag gagawin ko sa kanya." "Salamat bes dahil naintindihan mo ko!" sabay yakap nito sa kaibigan. Natigilan ito. Sa wakas naging pusong babae na ang kaibigan niya. Sa kabilang banda natatakot siya na baka mawalan na ng time si Jack sa kanya. Ngunit ngayon kailangan nito ng support at gagawa siya ng paraan para masabi din nito sa binata. Mahirap kung ang bestfriend niya lang ang may gusto at ang isa wala. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya at tumayo. "Halika ka na pumunta na tayo sa Gymnasium. Di ba ikaw ang no.1 fan ko hihi..." nilahad ang kamay nito sa kanya para tumayo. Naglakad na sila patungo sa Gym. Nahiwalay sila dahil sa likod dadaan si Jack at siya naman sa audience. "Galingan mo bes ha! wag ka patatalo dito lang kami mgchecheer para sayo!" sigaw nito. "Maraming salamat hindi ko kayo bibiguin." sabi naman ni Jack. Natanaw ni Jill si MJ ang kuya ni Jack nakaupo sa harapan. "Kuya MJ akala ko hindi mo na panonoorin ang laban ni bessy?" "Syempre kailangan ko panoorin ang kapatid ko lumaban ngayon magagalit si papa pag hindi ako manonood." "Pwede ba dito na din ako umupo? Para mas makita ko malapitan si Jack" tanung ni Jill. "Hindi ka pwede jan nakareserve na yan!" sabi nito. "Sino naman girlfriend mo?" Namula ang mukha nito. Hindi siya masyado nagtatanung sa kuya ni Jack dahil seryoso at tahimik lang ito. "Hindi classmate ko! Kaya dun ka na lang sa taas umupo." inis na sabi nito.Padabog siya umalis at naghanap ng mauupuan. Sakto nakita niya si Kim. Nakaupo sa kabilang side din kahilera ng pwesto ni MJ. Dali dali siya nagtungo doon. "Kanina pa kami dito mabuti may natira pa isang upuan para sayo."  "Salamat! " tugon ni Jill dito. "Bakit mukhang naiinis ka, ha?"tanung ni Kim sa kanya. "Hindi kasi ako pinaupo ni MJ sa tabi niya. May nakaupo na daw at namula ang mukha ng loko. Malamang babae ang katabi niya. Tinanung ko kung jowa niya hindi daw." "Sino naman?!" tanung ni Kim. "Hindi naman sinabi bigla ako pinaalis. Sakto kahilera natin sila makikita ko kung sino!" ngising makahulugan nito.  Nagumpisa na ang laban ni Jack sa taekwondo. Habang tutok sila sa panonood napasulyap si Jill sa pwesto ni MJ kanina at nakita nito si Annabelle ang katabi. Binulungan nito si Kim at tinuro ang pwesto ni MJ. Natuwa nang malapad si Kim sa nakita at pinagtatakahan ni Jill. "Kilala mo si Annabelle?" tanung nito. "Oo ate ko siya. Bakit malayong malayo ba itsura namin kasi super ganda at talino pa samantalang ako kabaligtaran naman niya. Sanay naku pinagkukumpara sa kanya pero kahit ganun maayos naman turingan namin" "Ganun ba mukhang bagay sila dalawa ni MJ. Alam na kaya ito ni Jack? Tatanungin ko mamaya after ng game niya." "Wala naman sinasabi si ate sakin may bf siya pero pansin ko araw araw blooming siya at inspired malamang si Kuya MJ ang dahilan." "Tama ka jan perfect couple ang dalawang yan tignan mo magkatabi na nga nagsusulyapan pa hehe" sabay turo ni Jill sa dalawa. Tinuon na nila ang tingin sa laban ni Jack. Sa huling laban si Jack ang grand winner. Naghiyawan lahat ng classmate nito at buong SSU students. "Congratulation bes ang galing galing mo talaga!" sabi ni Jill. "Maraming salamat sa suporta ninyo guys sakin." Lumapit sina MJ at Annabelle sa kanila. Yumakap ito sa kapatid ng mahigpit. "Kuya parang hindi naku makahinga hehe... Salamat at nanood ka." "Syempre naman magagalit si papa pag di kita napanood lumaban." sabi nito. "Congrats! Jack ang galing galing mo. Sana kasing lakas din kita" sabi ni Annabelle sa kanya. "Thank you! Di muna kailangan lumakas nanjan naman si kuya handa yan makipagbugbugan para sayo! Oops! Sorry nadulas dila ko hehehe..." Sabay tawanan nila. Nahiya si MJ kaya napakayuko ito. "Mauuna na kami sa inyo may practice pa kami para sa Mr. and Ms. Intrams para bukas manood kayo. Kasali kami ni MJ." yaya ni Annabelle sa kanila. "Makakaasa ka ate belle!" sabi ni Jack. Nauna umalis ang dalawa at napag pasyahan na pumunta sa canteen dahil nagutom na sila. "Jack, ikaw muna maghanap ng pwesto natin kami na bahala bumili treat ni Kim." sabi ni Jill. Naghanap si Jack ng mauupuan ngunit halos puno na. Sa kanyang paghahanap may nakita siya occupied na lamesa. Nilapitan niya ito kaso for Reserved nakalagay. Pagpihit niya biglang bungad sa harapan niya si Marcus. Biglang namula ang mukha nito at napayuko. "Ikaw pala Marcus!" sabay tingin sa tray na hawak nito. "Naghahanap ka din ba ng pwesto sayang may nakareserved na jan." "Hindi ako nagpareserved nyan.Nakita ko sila Kim dito na din kayo makishare ng table halos puno na din ang ibang table." yaya nito. Habang naguusap sila dumating ang dalawang kaibigan nito may bitbit na tray ng pagkain. " Dito na din kayo umupo wala naman ako kasama" sabi ni Marcus. "Salamat!" sabi ni Jill. Sabay sabay silang kumain at habang kumakain sila tumitingin ng palihim si Marcus kay Jack. Si Jack naman ganun pag di nakatingin si Marcus. Napansin ni Jill ang ginagawa ng dalawa kaya agad niyang binilisan ang pagkain at bumulong kay Kim. Tumango na lang ito at naexcused sa kanila. "Sorry mauuna na ko sa inyo guys may gagawin pa kasi ako sa Journal natin isasama ko si Kim. Tara na Kim tigilan mo na kumain diyan. Bye! Bye! Enjoy your lunch!" paalam ni Jill sabay hatak kay Kim. Pinagpatuloy na nila ang pagkain ng biglang binaba ni Marcus ang gamit na kubyertos. Tumikhim muna ito bago magsalita. "Jack congrats at nanalo ka sa laban mo" bati nito. "Congratulations din sa grupo ninyo. Magaling ka din sa laro mo" masayang sambit ni Jack. "Siya nga pala yung nakita mo huwag mo sana lagyan ng malisya! Nagulat kasi ako sa ginawa ni Gretchen." "Naku! Bakit ka ba nagpapaliwanag sakin natural naman yon. Di ba gf mo siya?" "Ha!? Sino naman nagsabi?Nababaliw na talaga ang babae na yon. Tsk tsk..." "Ibig sabihin joke lang pinagsasabi niya? Kalat kaya sa buong campus pati ung ginawa niya sayo!"" "Wala ako gusto sa babae na yon. Hinding hindi ko siya magugustuhan. Sa katunayan iba ang gusto ko." maraming nakatitig sa kanya. "Ganun ba sino naman? Malamang maswerte siya tapos kawawa!"" "Bakit mo nasabi kawawa siya?" tanung ni Marcus. "Syempre mahirap maging bf ang isang Marcus Polinar siga na nga, leader pa ng fraternity.Madaming adjustment ang gagawin niya... Maswerte naman kasi gwapo ito at talented."Biglang tumawa ng malakas ito. "May nakakatuwa ba sa sinabi ko!Sinasabi ko lang kung anu ang nakikita ko." paliwanag nito. "Sana ganyan din ang pananaw ng babaeng gusto ko!" "Sino naman ang malas na babae yan!" Kunsabagay madami magaganda dito sa university kaya hindi naku magtataka." "May itatanung ako sayo. Satingin mo ba magugustuhana ako ng babaeng Mahal ko?" "Naku! Hindi pa nga kayo Mahal na agad? Katulad ng una ko sinabi kapag mahal ka niya syempre tanggap niya kung anung insecurities mo." "Talaga! Ex. kung ikaw yon matatanggap mo ba ako!" sabay titig nito sa mga mata ni Jack. Sumabay din ang chorus ng kanta sa tanung ni Marcus sakin parang sinagot na din ang tanung ko. Nasa isip ni Jack. "Bakit ako naman tinanung mo? Iba na lang itsnung mo tsaka pag kaibigan dapat hindi tinatalo!" depensa nito. (Ouch! ang hirap magpanggap na di ka affected harap harapan ka na tinatanung. Feeling mo naman ikaw ung babaeng mahal niya. Puso mo Jack kaya mo pa pigilan yan.) "Mahirap ba ang tanung ko! Sige wag mo na sagutin kung nahihirapan ka hehehe..." "Boss!!! Nanjan ka pala!" sabi ni Diego habang hinihingal ito. May binulong ito kay Marcus at biglang tumayo. "Jack, sorry mauuna na muna kami! May importante lang ako gagawin."sabay alis nito. Magisang tinapos ni Jack ang pagkain niya.Napaisip ito bakit ganun ang sinasabi nito sa kanya. Parang siya ang tinatanung ngunit inalis na lang ito sa isip niya at ayaw niya magisip ng iba pa. "Uy! bakit nagdahilan ka na may gagawin pa tayo sa Journal natin eh! natapos na natin yun kahapon pa." tanung ni Kim. "Gusto ko kasi sila bigyan ng time makapagsolo." sabi ni Jill. "Bakit naman huwag mong sabihing may gusto si Jack kay Marcus?" gulat na sabi ni Kim. Tumango si Jill. "Ang alam ko humahanga lang siya kay Marcus bukod don wala naku alam. Di ba mag kapitbahay kayo ni Marcus imposible di kayo naguusap!" "Naku! Lagi naman ako niloloko nun ewan ko ba dun." inis na sabi nito. "Ibig sabihin may chance na maging babae na si Jack." sabi ni Kim. "Oo naman!" sabi ni Jill. "Si Marcus yun di ba? Bakit nagmamadali kasama si Diego" turo ni Kim. "Ewan ko hintayin na lang natin si Jack malamang tapos na yun kumain." Habang naguusap sila hindi napansin nakalapit na si Jack sa kanila. "Ako ba hinihintay ninyo? Akala ko ba may tatapusin pa kayo?" tanung ni Jack. "Sa totoo lang tapos na kami sa journal kahapon pa. Si Jill kasi nag dahilan pra makapagusap daw kayo ni Marcus" sabi ni Kim. Tumingin ito sa kaibigan. Nagpeace sign sa kanya at nagsabi ng sorry. "Kumusta na usap nyo dalawa ni Fafa Marcus. Nagkaaminan na ba kayo?" tudyo ni Jill. "Naku tigilan mo ko bakla wla kami pinagusapan tungkol jan okey. Wag mo na ako kulitin. Punta na lang tayo sa booth mas matutuwa pa tayo." yaya ni Jack sa kanila. "Habulan tayo kung sino huling makakarating sa booth siya manlilibre ng meryenda!" sabi ni Jill. "Sige ba di ko uurungan yan ikaw Kim sasali ka ba?" tanung nito. "Hindi na. Alam ko naman na talo na ako. Kayo na lang. Ako na magbibilang magready na kayo. Isa..dalawa...tatlo!" sigaw ni Kim sa kanila at tuwang tuwang tinitignan sila papalayong tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD