Chapter 10

1925 Words
Chapter 10 Jack's POV After namin magcelebrate sa pagka panalo namin sa role play inabutan ako ni Kim ng invitation card pati na rin si Jill. Ininvite niya kami sa birthday party ng kanyang mommy sa darating na linggo. Nagtaka ako bakit kami lang ininvite niya. Sabi niya kami lang tumanggap na maging kaibigan siya dahil sa itsura niya tsaka lagi niya kami kinukwento sa mommy niya. Dumating ang araw ng linggo tinext niya full address sakin kaya nagayos naku para makapaghanda na. Ang suot ko blue shirt na may ulo ni Stitch at pinatungan ko ng checkered polo, denim pants,converse na shoes at blue cap. Pagbaba ko sakto may nagdoorbell bell pagbukas ko si beshy pala. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Natawa talaga ako sa ayos niya. Nakapink dress tapos naka high heels. Matching make up at wig. Okey siya na ang maganda. "Maganda hapon bes! Look my outfit maganda ba ko? Si mommy nagayos sakin" nagpapacute at umiikot sa harapan ko. "Oo maganda ka na baka talbugan mo pa mga bisita ng mommy ni Kim" "Taralets na! Di ba 6pm ang calltime natin baka malate tayo malapit lang ba bahay nila?" tanung nito ng palabas na kami sa bahay. "Medyo malayo kaya naman lakarin! Inunahan ko sa paglakad. Bagal kasi." "Naku! sana di malayo sasakit legs ko niyan kakalakad. Bagong bili ko pa naman tong high heels baka masira agad" "Kasalanan mo yan susuot ka ng ganyan tiisin mo na lang kasi malayo ang bahay nila, hahaha!" pangiinis ko at nakasimangot naman ang bakla. "Kung alam ko lang malayo bahay nila ginamit ko na lang ang kotse ni Mommy hindi ko Keri to!" Nagrereklamo pa din siya habang naglalakad kami kaya di niya namalayan nandito na kami sa tapat ng gate nila Kim. Sakto lumabas si Kim nakadress din ito at sinalubong kami. "Maganda gabi sa inyo mabuti hindi kayo naligaw?" "Syempre nagtanung din kami sa mga tao jan sa tabi tabi" sabi ni Jill habang nakasimagot. "Halina pasok na kayo! Welcome sa bahay namin!" Sumunod kami sa loob ng bahay nila Kim. Malaki ang salas nila at maraming bisita naririnig ko ang iba naguusap about sa business, mga new trending fashion design ng mga dress at kung anu ano pa. Medyo nahiya ako sa suot ko very common samantalang sila napakaclass ng dating kaya pala si bakla bongga ang attire. "Okey ka lang ba bes?" tapik niya sa balikat ko. "Oo nman nagugutom na kasi ako eh!" dahilan ko sa kanya para mawala ang pagkailang ko. Nagtungo kami sa kusina at nakita namin ang isang sopistikada babae at super sexy at mukhang bata pa parang nasa mid twenties. "Hi! Mommy sila mga friends ko sina Jack at Jill." pakilala ni Kim samin. Nagulat ako napakabata pa ang itsura parang magkapatid lang sila titignan. "Hello sa inyo! mabuti't nakarating kayo sa amin. Masaya ako't nagkaroon ng kaibigan ang unica hija ko!" masayang bati nito samin. "Happy birthday po!" sabay sabi namin ni Jill at abot namin ng regalo. "Naku nagabala pa kayo pero Maraming Salamat! Kim, ikaw na muna bahala sa kanila pupuntahan ko muna mga katrabaho ng Daddy Arthur mo sige enjoy lang kayo!" paalam nito at pinuntahan ang mga bisita. "Tara dun tayo sa buffet kuha tayo ng foods natin. Kainin nyo kahit anu gustuhin nyo!" yaya samin at kumuha ng plate ang dami nilang handa parang katulad sa Cabalen ang menu nila. Pagkatapos namin kumuha ng pagkain niyaya nya kami sa likod may mesa at upuan din. Tama nga siya masarap ang kain namin ang presko sa labas. Kung anu ano pinaguusapan namin at tawanan nahinto lang kami sa paguusap ng mapalingon kami sa bagong bisita ni Tita Helen. Nakibesobeso ito at sexy sa suot na black halter dress. Pero mas nagulat ako ng makita ko sino kasunod nito si Marcus ang gwapo niya sa suot na black polo shirt at slacks. Bigla kami nahinto sa pagkain at natulala sa kanya. "Kimberly, bakit di mo sinabi samin pupunta si fafa Marcus!" aligaga si bakla hindi malaman kung anu ang uunahin. "Sorry di ko nasabi sa inyo kasi kung sinabi ko baka di kayo pumunta." Biglang ito napatingin sa direksyon namin at naglakad patungo sa aming pwesto. Bigla ako nagbaba ng tingin baka mahuli niya ko nakatitig sa kanya. Mahirap na huwag siya magassume na pupurihin ko siya. "Hoy! Tabs di mo sinabi sakin invited sila sa birthday party ni Tita Helen." tanung nito kay Kim. "Kailangan ko ba ipaalam sayo kung pupunta sila dito? nakasimagot itong nakatingin sa lalaki. "Hindi naman natuwa lang ako sige baka nakakaistorbo naku sa pagkain  ninyo" ngisi nito sabay alis. "Kim, magkakilala pala kayo ni Marcus? baling ko sa kanya. "Oo after ng role play natin pinakilala kami sa isa't isa ni Mommy at Tita Emmy. Nagulat nga ko kasi di ko alam siya ung anak ni tita. Dati kasi unang beses ko lang siya nakita tahimik lang siya." kwento samin ni Kim. "Infairness ang gwapo lalo ni fafa Marcus ngayon. Ibig sabihin mommy niya ung  nakaitim ung sexy?" tanung ni Jill. Tango na lang sinagot ni Kim hindi magkandaugaga sa dami ng pagkain sa plato. Bigla ito nasamid inabutan ko agad ng tubig. "Salamat, Jack! Marami pa dun kuha pa kayo." "Hindi na busog naku!" sabay himas ko sa tiyan ko. "Calling your attention please!" tawag ng emcee. Nagsilapitan lahat pati kaming tatlo papunta sa kinaroroonan nito. "Good evening! Ladies and Gentlemen and now I want to introduce to you a birthday celebrant... A woman have a beautiful smile and have big heart...please around of applause... A lady of the night Ms. Helen Duran!!" sigaw nito at lumabas na si tita sinabayan pa ng kantang Lady in Red sakto naman sa suot nitong red dress. Inalalayan naman siya ng kanyang asawa si Tito Arthur at sumayaw sila. "Sa lahat pwede din kayo makisayaw sa kanila para mas feel ninyo ang  moment!" sabi ng emcee nagsisayawan din ang ibang bisita ang iba magasawa, magjowa at niyaya lang isayaw. Nilapitan ni Roger si Kim isa sa mga kaibigan ni Marcus. Nung una ayaw nito pero nakatingin ang mommy niya sakanya kaya't napapayag siya. "Anu ba bes nasaan ba si Marcus?" Sino makakasayaw ko?" "Naghahanap ka ng wala eh nasa harapan mo lang ako! Tara na tayo na lang sumayaw" hatak ko sa kanang kamay niya at sumayaw na kami. "Yung totoo marunong ka bang sumayaw niyaya mo ko tapos tatapos aapakan mo ung paa ko!" hawak nito sa paa niya kasi naapakan ko. "Ayoko naman tumunganga sa gilid tapos hanap ka ng hanap sa lalaki na yon ni hindi nga natin alam nasan na parang kabute lang biglang susulpot!" "Miss ok ka lang?" lapit ng isang lalaki kay Jill. Tumingin ito sa lalaki at napatitig. "Wala ka ba kapartner? sayang ang ayos mo baka gusto mo tayo na lang sumayaw don't worry marunong ako sumayaw" sabay lahad ng kamay nito. Lumingon ito sakin at humingi ng permiso. Tumango na lang ako sa pagsangayon. Hinatak na siya ng kapartner nya at sumayaw na. Lumabas muna ko malapit sa pwesto namin kanina. Hindi talaga ako sanay sa mga ganyang event. Ang presko ng hangin mas gusto ko dito sa sobrang amused ako sa garden nila. May tumapik sakin at kinilabutan ako. "Waaahhh!!! Sino yan!!!" sobrang gulat ko napasigaw ako. "Hahahaha!!! Di ko alam na magugulatin ka pala!!! hawak nito sa tiyan sobrang tuwa. "Anu ginagawa mo dito Marcus??? Akala ko mumo na nanggulat sakin!" inis ko sa kanya. "Kanina pa ko dito nagpapahangin. Napansin kita agad lumabas tapos tulala at nakangiti kaya tinapik na kita baka nasisiraan ka ng ulo!" pangaasar nito. "Anung sabi mo ako nasisiraan ng ulo? Di ba pwede nagrerelax lang ako. Kung wala kang matinong sasabihin aalis na lang ako." Tatayo na sana ako ng pigilan niyang balikat ko at tinabihan sa pagupo. "Okey sorry akala ko ako lang bored sa loob ikaw din pala. Huwag ka magalala di ko na kayo guguluhin ng kaibigan mo." "Di ko akalain marunong ka pala magsorry sige tinatanggap ko. Siya nga pala salamat sa pagsalo mo sakin nung nakaraan." "Wala yun kahit sino gagawin yon pasensya ka na nadamay ka sa inis ko sa kaibigan mo. So let's be friends! By the way hindi pala tayo lubos na kilala. I'm Marcus Polinar nice to meet you!" sabay lahad ng kaliwang kamay niya sakin. "Jackilyn Buenavista or Jack na lang " inabot ng kanan kamay ko at nagshakehands kami. Medyo nakuryente ako sa pagdikit ng mga palad namin. Ano ba 'to! Ako na unang bumawi ng kamay ko sa kanya. "Jack! Jack! Nanjan ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Oops! sorry nakakaistorbo yata ako" tawag ni Jill. "Hindi naman paalis na din naman ako. Oo nga pala Jill si Marcus pala friends na natin siya." Pinakilala ko silang dalawa para wala ng problema. Naging maayos naman ang paguusap nila. Nauna na si Marcus dahil uuwi na din siya. Bigla ako kinurot sa tagiliran ni Jill. "Hoy! bruha ka kung di pa ko dumating baka may naganap na dito. Anu pinagusapan niyo? Di ba ang pogi pogi ni fafa Marcus." "Kung anu ang nasa isip mo nagkakamali ka humingi lang siya ng  tawad sa ginawa niya sayo at nagpapasalamat naman ako sa kanya. Yun lang wag mo na sana lagyan ng malisya, okey!" "Okey intiendes bakla I'm so happy friend na natin siya. Ang dami tuloy pumapasok sa braincells ko kung anung ginagawa niya, hobbies niya  everything about him and I want know him better!" masayang sambit nito. "Saka mo na yan isipin halika na umuwi na tayo baka pagalitan pa ko ni Papa pag sobrang late na uwi ko!" Nagpasalamat kami kina Tita Helen at Kim at nagpaalam na uuwi. Naglalakad na kami ng may tumigil na kotse sa harap namin. Binuksan ang window ng kotse at si Marcus pala.  "Sakay na kayo late! Baka malate pa kayo bukas." Niyaya niya kami pumasok sa kotse para ihatid kami. Nung una tumanggi ako kaso napatingin ako kay Jill nakaheels pala 'to kaya pumayag nako. Inuna niya muna ihatid si Jill pagkatapos ako naman. "Dito ka pala nakatira!" "Oo gusto mo ba pumasok di ka naman yata nagmamadali?" yaya ko sa kanya. Pumasok kami sa loob pinaupo ko muna siya sa sala. Tinaggal ko ang polo ko. Nagtimpla na lang ako ng juice dahil yun lang maoofer ko sa kanya. "Heto uminom ka muna ng juice, I'm think parehas naman tayo nabusog sa handa kanina." Ininom naman nito ang juice at inubos. "Thank you! Alam mo ba ngayon lang ako nakatikim ng juice" "Ha? eh juice lang yan wag ka magalala walang lason yan." "Iba naman iniisip mo. Ngayon lang may nagtimpla ng juice para sakin at napakasarap pa." Bigla ako napayuko nahihiya ako baka makita niya namumula ang mukha ko. Nagpaalam na din siyang umuwi; hinatid ko siya sa labas ng gate at bago sumakay ng kotse lumingon ito sakin  "Thank you Jack! Nice meeting you again and goodnight sweet dreams!" Tumango na lang at kumaway. "Same to you ingat!" bulong ko sa sarili ko. Bakit ko ba yun nasabi? Nakakahiya naman. Puso mo Jack!!! Hold on!!! Mabuti tulog na mga bantay ko at humiga na sa aking kama. Hindi ako makatulog. Bakit mukha niyang pa din nakikita ko at hindi maalis sa isip ko. Unexpected na binati niya ko ng ganun "Sweet dreams!" kulang na lang "with me..." Anu ba yan Jack itulog mo na yan!!! sabi ko sa sarili ko. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog na may ngiti sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD