Chapter 6: Oari's POV

1149 Words
Dear diary, Ayaw pa rin ni tita ibigay sakin ang mga detalye tungkol sa mga Fuentes. Ako na lang ang gagawa ng paraan upang malaman lahat ng kailangan kong malaman at nang masimulan ko na ang aking mga plano. I will tear down EVERY SINGLE ONE OF THEM! Ulit-ulit kong sasabihin ang mga salitang ito, dahil hindi ko pa rin matanggap na pinahirapan nila kami sa loob ng matagal na panahon samantalang sila ay namumuhay nang matiwasay. Hindi naging patas ang kapalaran. Kung hindi pa sila kina-karma, hindi na ako makatiis. Ako na mismo ang gagawa ng sarili kong karma. I WILL BE THEIR WORST KARMA! Hindi ko na namang mapigilan ang mga luha ko na dumaloy pababa ng mukha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Sobrang bigat ng pakiramdam ko kada nasasagi sa isipan ko ang ginawa nila sa amin, lalong-lalo na sa mommy ko. “Oari?" Narinig kong kumatok si tita sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali ko namang pinunas ang mga luha ko at inayos ang itsura ko sa salamin bago siya pagbuksan. “Saglit lang po, tita." sambit ko. Binuksan ko na ang pinto. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni tita. Nakayuko ako at pasinghot-singhot pang humarap sa kanya. Nakatingin sa sahig ang mga mata ko. Agad naman niya itong napansin at tinanong ako kung ayos lang ba ako. “Oh? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong sakin ni tita. Nakakunot ang noo nito at halatang masyado siyang nag-aalala. “Uh... wala po, tita. Wala lang po ito. Napuwing lang po ako." sagot ko naman habang nakayuko pa din at nakatingin sa sahig. Pumasok si tita sa kwarto ko at naiwan akong nakatayo sa may pinto. Umupo siya sa kama ko at tinawag ako. “Oari, dear, I may not be your biological mother, but I know you damn well. I have known you ever since you were little. You can never lie to me. Now, come sit beside me and tell me what's wrong." sabi nito. Pinunasan ko naman ulit ang mga luhang patuloy na tumutulo bago tumabi sa kanya. Pagkaupo ko sa kanyang tabi, pasimple kong tinakpan ng unan ko ang itim na notebook na nagsisilbing diary ko. Sinimulan naman niyang hagurin ang buhok ko na nasa balikat ko palikod. Tinignan niya ako na may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. “Naaalala mo na naman ang mommy mo?" tanong nito sa akin. Umiwas ako ng tingin ay tumango nang mabagal. “Miss ko na rin ang mommy mo. Alam mo ba? Nung bata pa kami ng mommy mo, magkatabi pa rin kaming natutulog sa iisang kama at kwarto kahit nga dalagita na kami? Sobrang close kami ng mommy mo. Mahal na mahal ko siya at ganun din siya sa akin. We always got each other's back. Tsaka lagi kaming magkakampi sa lahat ng bagay. Kahit kapag pinapagalitan kami ng lolo at lola mo, pinagtatakpan namin ang bawat isa. My life suddenly felt miserable when I lost her. For the very first time in my life, nakaramdam ako ng miserableng buhay sa loob ng ilang taon. Mahabang panahon." pagpapaliwanag niya sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin sa kanyang mga mata. “Tita, I think it's time for you to tell me about the Fuenteses." Bumuntong-hininga naman ito at napapikit ng mga mata. Nang dumilat siya ay itinaas niyo ang kanang kamay niya na nakataas ang kanyang hinliliit na daliri. “Promise me something first, Odessa. Wala kang gagawin. Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin din. I'm very sure that you're mom wouldn't want you to put yourself in danger." sabi nito na may nag-aalalang tono. Nakipag-pinky promise ako sa kanya at pumayag sa kondisyong ito. “Sige po. I promise." Bumitaw na kami sa pagkaka-pinky promise namin at nagsimula na si tita na magkwento. “Si David Fuentes. Siya ang mismong pumatay sa mommy mo. It was rumored that David was obsessed with your mom ever since high school pa lang sila. Hindi niya matanggap na may pamilya na ang mommy mo. Nanirahan siya sa US ng ilang taon, at umuwi ng Pilipinas nang malaman niyang may asawa at anak na si Sylvia. Niligawan niya din ang mommy mo nung highschool kayo. Dinadalhan araw-araw ng tsokolate, mga ibang pagkain at bulaklak." tumayo siya nang kama habang kinukwento ito at napahawak siya sa magkabilaang braso. Halatang kinikilabutan siya at kinakabahan habang nagkukwento. “He always insisted to drive Sylvia home every after class. Your mom respectfully and politely declined everytime. He was rejected a lot of times. Hanggang sa mag-kolehiyo ang mommy mo ay halos araw-araw pa rin itong sinusuyo ni David. Umaasang makukuha niya ang mommy mo. Pero wala. Ayaw ng mommy mo sa kanya dahil isa siyang anak mayaman na laki siya sa layaw. Nagka-girlfriend din naman siya noon ng ibang babae. Pero hindi nagtagal ay naghiwalay din sila. At dun na naman nagsimula ang pag-stalk niya sa mommy mo. Nang makapagtapos sila ng mommy mo ng kolehiyo ay pinalipad ng mga magulang niya si David sa US. Akala namin makakahinga na kami ng maluwag. Akala namin naka-move on na siya at nakalimot. Hanggang sa bumalik siya at ginawa ang karumal-dumal na krimen na pagpatay sa mommy mo." Humarap siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita. “Ni-report namin sa police ang nangyari. Pero masyadong makapangyarihan ang pamilya nila, Oari. Pinalabas nilang nag-suicide ang mommy mo. Pinalabas nilang walang kinalaman ang anak nila sa pagkamatay ni Sylvia. Isang kilalang gobernador at tanyag na negosyante ang ama ni David na si Floro Fuentes. He pulled all the strings he could at the time para lang matakpan ang dumi ng tagapagmana niyang anak sa lahat ng kanyang negosyo at ari-arian. Habang ang kanyang ina naman na si Leona ay madaling pinatakas si David sa US pagkatapos na pagkatapos ng krimen. Kasabwat din ng pamilya nila ang noo'y kakaupo lamang na hepe ng kapulisan dito sa san Ildefonso. Kaklase at barkada ni David simula highschool—si Cristobal Martinez. Siya ang dahilan kung bakit tuluyang nawalan ng hustisya ang pagkamatay ng mommy mo." Tumalikod ulit siya dahil maluha-luha nang nagkukwento si tita sa bandang ito. Marahil ay masyadong mahapdi sa puso na alalahanin lahat ng mga detalyeng ito. Marami pa siyang mga binanggit na mga pangalan na sumunod na patago ko namang nililista sa notes app ng cellphone ko. Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa akin at lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Agad ko namang pasimpleng pinatay ang screen ng phone ko para hindi niya makita ang mga nililista kong pangalan. “Oari, nangako ka sa akin na hindi mo babanggain ang mga taong ito! Wag mong ipapahamak ang sarili mo, please lang!" tuluyan na itong umiyak sa harapan ko. “Tita, don't worry. Walang mangyayaring masama. Okay?" paninigurado ko naman sa kanya. Niyakap ko siya at hinagod ang kanyang likod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD