“Hi, Sylvia! Kamusta ang araw mo? Pauwi ka na ba? Hatid na lang kaya kita?"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni David sa harapan ko nang lumabas ako ng classroom. Inaabangan niya pala ako at mukhang kanina pa siya nandito.
Nakasandal siya sa kotse niyang magara at nakabuka ang dalawang pang-itaas na butones ng uniporme neto.
“Hi, David! Naku, wag na! Nagko-commute kasi ako pauwi eh. Tsaka mas gusto ko yun kasi para matuto ako bumiyahe." magalang kong pagtanggi sa alok niyang ihatid ako.
Bigla naman itong may kinuha sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay inilabas ang isang bouquet ng bulaklak. Iniabot niya sakin ito pagkatapos niyang lumapit sa akin habang nakapamulsa ang isang kamay.
“Uhm... Sylvia, para sayo nga pala" sabi nito.
“Nag-abala ka pa talaga, David! Maraming salamat talaga ha? Pero diba sinabi ko na nung nakaraan na ayoko muna mag-boyfriend? Naa-appreciate ko tong mga ginagawa mo para sakin pero pasensya ka na ha? Ayoko pa rin kasi talaga mag-boyfriend eh." pagpapaalala ko ulit sa kanya. Ilang beses na kasi akong tinatangkang ligawan ni David at ilang beses ko na rin siyang mariin na tinatanggihan. Tila ba ayaw niyang sumuko.
“Pero... pwede naman kitang antayin eh. Di mo naman ako kailangan itaboy lagi.” sagot nito habang magkadikit ang mga palad na lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang isang kamay ko.
“Uhm... sorry David ah? Kailangan ko na mauna. Baka hinahanap na ko nila mommy eh! Salamat nga ulit dito sa mga bulaklak." pagtatangka kong pagpapaalam dito.
“Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita? You know I insist I should take you home." namimilit na naman ito.
“Ah hinde hinde. Hindi na. Ayos lang naman sakin! Salamat pa rin!" Nginitian ko ito at minadali nang maglakad palayo sa kanya.
Pumara na ako ng taxi nang makalabas ako ng gate ng school. Lumingon ako ng isa pang beses at nakita kong nakatingin pa rin ito sa akin kahit nasa loob na siya ng kotse niya.
Nang makasakay na ako sa taxi, agad kong binaba ang bouquet na binigay ni David sa tabi ng kinauupuan ko at bumuntong hininga nang malalim. Napapikit ako ng mata at minsan pang humugot ng malalim na hinga. Kinuha ko naman pagkatapos ang alcohol sa bag ko at agad na nag-alcohol.
Naiirita ako sa paghawak niya sa kamay ko. Kaya ayoko siyang pagbigyan na umakyat ng ligaw sakin dahil napaka-presko niya! Akala niya ayos lang sa kanya na hawakan ako nang basta-basta! Nakakainis! Hindi ko naman gawain ang magtaray dahil ayokong nagpapakita ng masamang ugali.
May itsura naman si David. Matangkad, maputi, at medyo matipuno ang katawan. Mukha siyang may lahing Amerikano kung tititigan. May kaya din ang pamilya niya dahil sikat na pulitiko ang tatay niya.
Kaso lang hindi ko talaga siya gusto! Masyadong mahangin at presko! Sana talaga tigilan na niya ako. Madalas niya akong abangan sa labas ng building ng classroom ko kada last period na. Nasa 3rd year highschool na kami. At ginagawa na niya ito simula noong nakaraang buwan pa. Hindi ko alam anong nagustuhan sakin ng lalaking iyon. Nakakatakot na minsan kapag nagkakasalubong kami at lalo na kapag inaabangan niya ako sa labas mismo ng building ng classroom ko. Hindi ko alam kung paano ko siya iiwasan.
Ilang beses na rin akong pinaabutan ng kung anu-anong mga bagay. Tsokolate, mga bulaklak, teddy bears, etc.. Madami na siyang kung anong binigay sakin. Pero hindi niya pa rin makuha ang loob ko dahil hindi ko talaga tipo ang mga kagaya niyang may itsura lang pero hindi naman nag-aaral nang mabuti. Mahangin pa!
“Manong, diyan lang po sa may malaking gate." sabi ko sa driver nang maaninag ko na ang gate ng bahay namin.
Bumaba na ako ng taxi. At nang makababa, kinuha ko ang bouquet at diretsong itinapon sa basurahan bago ako pumasok ng bahay namin. Pinagpag ko naman ang suot kong uniporme bago ako pumasok ng bahay dahil tila kumapit na sakin ang amoy ng mga bulaklak na binigay ni David kanina.
“Sylvia! Nandito ka na pala!" bati sakin ni mommy. Nilapitan niya ako at hinalikan ako sa pisngi.
Pagkatapos nito ay ibinaba ko ang bag ko sa couch at humarap kay mommy na nakapamaywang.
“What's with that look on your face, darling?" tanong ni mommy habang humihigop ito ng tsaa.
Lumapit ako kay mommy at kinwento ang mga ginawa ni David sakin kanina.