Napahikab ako habang naglalakad sa hallway papasok ng room namin, hindi kasi kaagad ako nakatulog kagabi dahil umuwi muna ako sa amin para ihatid yung sahod ko. At tulad ng pangako ko, ibinigay ko kay Abby yung kalahati ng sahod ko at ang bruha sobrang saya, aabot din kaya ng isang linggo yung ibinigay ko sa kanya. Hindi din yun muna papasok ngayon dahil ipapacheck up nila yung kapatid nila na may sakit. Pagdating ko sa room, napahinto pa ako sa may pinto ng mapansin ko yung mga lalake na ngayon ko lang nakita, mukhang sa ibang section yata sila. Pansin ko rin yung mga kaklase ko na sobrang tahimik habang nakatingin sa akin. " Good morning! " nakangiting bati ko sa kanila na as if naman na babatiin din nila ako. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad papunta sa upuan ko. Kaya lang itong mga

