Leandro POV Halatang naiinip na si Victoria sa pinta ng kanyang mukha at mga galaw. Nasaan na ba kasi ang mga bata? Dapat kanina pa nila kami nasundo hindi na kami makakaabot sa mismong oras ng annibersaryo. Pati ba naman si Sandro wala din! Mabigat ang buntong hininga kong lumapit kay Victoria. "Magtaxi nalang tayo papunta sa venue." Mungkahi ko sa kanya. "Bakit ba kasi wala man lang isa sa kanila para pumunta rito?" Iritado na niyang tanong. "Victoria baka marami silang ginagawa kaya nakalimutan tayo, kaya naman nating pumunta doon kahit wala sila." Pilit kong pagpapaintinding sagot sa kanya. Kilala ko ang ugali ng asawa ko. "Sandali nga lang Leandro, sinabi mo ba na darating tayo ngayon?" Taas - kilay niyang tanong. Napapikit ako ng maalalang hindi pala ako nagsabi sa kanila na dad

