Liam Pov Nagulantang ako sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto. Hindi sinasadyang napabalikwas ako ng bangon, buti nalang hindi nagising si Kelly. Mabilisan kong dinampot ang aking mga damit at isinuot bago binuksan ang pintuan. Sinigurado ko munang nakumutan ko ng maayos si Kelly at baka kung ano ang masabi sa akin ni Ate Trisha. "What the f**k Liam?" Bungad sa akin ni kuya Sandro. Siya pala ang kumakatok na akala mo ay may kalaban na paparating. "Kuya Sandro?" "Liam, kailangang makaalis si Kelly ngayong gabi bago siya ipakulong ng mga namatayan. Nawawala ang mga nurse at doktor na pumirma sa operasyon gamit ang pangalan ni Kelly. Tanging si Olivia ang witness na naiwan kaso binaliktad ng mga kalaban na sinabing magkaibigan sila kaya pinagtatakpan siya." Sagot agad ni kuya. May kal

