Nagtungo kaming dalawa ni Piper sa kanyang kwarto. Natatakot pa rin siyang mahiga roon sa kama niya dahil sa kulog at kidlat kaya’t wala akong nagawa kung hindi ang mahiga sa tabi niya. Halos isiksik niya ang sarili sa akin. Ako naman ay hinagod ko ang kanyang likod upang pakalmahin ito. “Will you stay with me, please?” sabi nito habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib. Napatingin ako sa kanya at nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Bumuhos na rin ang malakas na ulan kaya’t hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. “I’ll stay with you until you fall asleep, don’t worry,” sagot ko sa kanya bago ayusin ang buhok niyang halos sumabog na sa kanyang mukha. Nagtaas siya ng tingin sa akin kaya’t napatigil ako sa paghawi ng kanyang buhok at tinitigan lamang siya. Nag-aabang

