“Avi!” natatawang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Ilang araw na rin ang nagdaan simula nang makalabas ako ng ospital. Ang sugat ko ay mabilis ding naghihilom at bumalik na ako sa bahay namin ni Avion. Both of us talked to our lawyers, na hindi na namin itutuloy ang paghihiwalay. Naayos na naman ang hindi man naming pagkakaintindihan. Ngayon ay masasabi kong mas nauunawaan namin ang isa’t isa. “Come on now, Maui, why are you running away from me? Akala ko ba pagkalabas mo ng ospital ay gagawin natin ito?” tanong niya sa akin habang yakap-yakap ako mula sa likod. Nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga sa aking leeg habang pinapaulanan niya ito ng maliliit at mababaw na halik. Para naman akong kinikiliti sa ginagawa niya. “Gosh, I’m pregnant!” natatawa ko pa ring saad sa kanya. Hum

