“What the f**k are you doing here?” Susugod si Avion kay Hardin kaya’t agad ko siyang nilapitan at pinigilan. Tama ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari dahil sa pagkikita nilang dalawa rito. “Avion, please…” mahinahon kong bulong sa kanya. I can feel the tension on his body. Mas lalong tumitigas ang kanyang katawan dahil sa galit na nararamdaman niya para kay Hardin. Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Avion pero hindi ako tumingin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, kahit wala naman akong ginagawang masama ay hindi ko makayanang tingnan siya sa mata niya. “Avi, it’s not what you think,” sambit ni Hardin, “hindi naman siguro kasalanan kung gusto kong maging malapit kay Maui.” Sobrang bilis nang pangyayari na hindi ko man lang naramdamang wala na si Avion sa harapan ko at

