“Mom…” pagsuway ni Avi sa kanyang ina nang marinig ang tungkol sa usapan ng pagbubuntis. Napatingin ako sa kanya at napansin ko na napansin niya ata ang pagiging hindi ko komportable. “What? Lahat kami ay nag-aabang sa kung sinong unang makakapagbigay ng apo sa amin. Nauna nga lang si Kuya—well, never mind.” Natatawa pa rin sina Tita ngunit tumigil na rin naman kalaunan. Napatingin ako kay Nevaeh nang mapansin ko ang paninitig niya sa akin. Pinanliitan niya ako ng mga mata at may nakita akong ngiting kumukurba sa kanyang labi. What does that mean? “Are you guys staying the night here o uuwi rin kayo?” Si Avion na ang sumagot kay Tito at sinabi niya na uuwi rin kami. Nakatitig pa rin sa akin si Nevaeh. Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya at tinititigan niya ako habang

