Kath's POV
Pagkatapos naming kumain ay nag shopping muna kami. Buti nga napilit naming girls yung mga boys mag shopping eh lalo na si kuya. Kung wala si ate Hailey siguro hindi kami papayagan ni kuya.
Papunta na kaming parking lot ngayon para umuwi. Sabay-sabay kaming nag punta dahil mag kakalapit lang pala ang pinag parkan nila ng sasakyan. Nakarating na kami sa kotse ni kuya pero napahinto siya.
I looked at where he was looking at and there I saw my Dad with his mistress and daughter.
"kuya, halika na nga baka makita pa tayo nyan." sabi ko sa kanya ngunit huli na ang lahat, nakita na niya kami.
"oh mga anak! nandito pala kayo." I looked at kuya at bored na nakatingin siya kay Dad.
"so what kung nandito kami? It's not like we need to ask for your permission to go to the mall. tsk." maangas na tanong ni kuya.
"ipapakilala ko pala kayo sa magiging step-sister niyo." sabi ni dad at hindi pinansin ang sinabi ni kuya.
"Addison dear, meet you step-siblings." sabi niya at hinila si Addison palapit samin.
"nice to meet you." sabi ni Addison kay kuya at ngumiti. Tsk plastic. Pero hindi namin siya pinansin ni Kuya.
"Kath, let's go." sabi ni Kuya at sinunod ko naman.
"how rude of you. wala man lang bang nice to meet you too? my Step-sister and step-brother?" sabi ni Addison at ngumiti.
"It wasn't even nice to meet you in the first place. and don't call us your sister and brother hindi tayo mag kapatid."walang ekspresyon kong sabi sa kanya.
"twins! that's rude!" galit na sabi ni dad.
"yeah it's not like what you're doing right now is not rude. Having a new family habang hindi pa divorce? yeah that's nice and not rude." sabi ni Kuya at sumakay sa kotse at ganun din ako. Halata naman ang galit sa mga mata ni dad, pero hindi siya pinansin ni kuya at nag drive na paalis.
Kinabukasan ay wala akong ginawa kundi mag review sa math dahil may quiz kami bukas. Diba lunes na lunes may quiz. At ang malala pa math. si Ms. De Guzman talaga.
"Kath! Klai! Dinner!" sigaw ni Mom. Tumayo ako at inayos ang libro at notebook ko at lumabas. Saktong pag labas ko naman ay lumabas din si kuya.
"Kath, I hope you won't tell mom about what we saw yesterday okay? alam mo naman baka dumagdag pa sa stress niya." sabi sakin ni Kuya. Kala siguro niya sasabihin ko kay mom yung nangyari kahapon. hell no!
"of course kuya hindi ko sasabihin sa kanya. I don't want to see mom sad and para makapag focus siya sa work niya." sabi ko sa kanya at ngumiti. Nginitian naman niya ako pabalik.
"what took you so long?" tanong ni lola na naka upo sa dining table.
"ah wala po lola inayos ko lang po yung books ko nag rereview po kasi ako for the quiz tomorrow." sagot ko sa kanya at tumango naman si kuya.
"o siya sige kumain na tayo bago pa lumamig yung foods." sabi ni mom sabay upo sa tabi ni kuya.
"kuya, lumipat ka kaya sa section namen? I mean same year lang naman tayo." sabay subo ko ng pagkain at tinignan ko si kuya ng makahulugang tingin. Ayoko kaseng ako lang ang kaklase ni Addison baka kung ano pa masabi niya kaya gusto ko sanang kasama si kuya sa room. At mukhang na gets naman ni kuya ang tingin ko.
"sige, mom pwede ba?" tanong ni kuya kay mom.
"of course, sige kakausapin ko bukas yung principal niyo para mailipat kayo." sagot naman ni mom habang naka ngiti.
"mom sabihin mo pati sila Dylan, matagal na din kasi namin gustong lumipat ng section eh. wala lang kaming valid reason." Oh my gosh magiging mag kaklase na kami ni Dylan. Yes!! I'm super excited!
"sure." sagot ni mom at pinag patuloy ang pag kain.
After dinner ay nag hang-out kami ni Kuya pero hindi kami nag puyat dahil may pasok bukas.
"Kath, wake up. You need to get ready for school." sabi ng kung sino habang tinatapik ang balikat ko. I opened my eyes and I saw my mom already wearing her outfit for work.
"come on, bangon kana para makasabay kayo saken ng kuya mo." sabi ni mom. oo nga pala pupunta siya ng school ngayon.
Pagkalabas ni Mom bumangon na ako at nag punta sa bathroom para maligo. I wore my uniform and just put some lip balm. Hindi kasi ako nag memake-up sa school, I just think that it's more convenient to not wear make up. Pero, I don't think it's bad naman.
"Sis! are you done? dalian mo baka malate tayo!" sigaw ni Kuya. Mukhang ako nanaman ang nahuli ah.
"coming!" sigaw ko pabalik at lumabas. pag-labas ko ay nakita ko si kuya at mukhang ako nalang nga ang hinihintay.
"eat breakfast muna para makainom ka ng gamot mo." sabi sakin ni lolo. Sinunod ko naman siya at kumain ng bacon and eggs, and after that uminom na ako ng gamot ko.
"are you done twins? tara na at baka malate pa kayo." sabi ni mom, sabay naman kaming tumayo ni kuya at sinundan papuntang car si mom.
We arrived at school and as usual hinihintay kami nila Dylan and the girls sa parking lot.
"good morning po tita!" sabay sabay nilang sabi kay mom.
"good morning din sa inyo. twins mauna na ako I need to talk to your principal pa eh." sabi ni mom atska umalis.
"yun oh! magiging mag kaklase na kami ng baby ko~" sabay yakap ni Liam kay Sofia. Pero tinulak siya ni Sofia na ikinatawa naming lahat.
"guess we're going to be classmates." nagulat ako ng may biglang mag salita sa tabi ko. Si Dylan lang pala. Hindi ko namalayan na tumabi pala siya sakin.
"a-ah haha oo nga. It will be fun!" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sabay pisil sa pisngi ko.
"ouch! it hurts kaya!" sabi ko sa kanya kaya tumawa siya. Pinisil ko din ang pisngi niya.
"tatawa ka pa ah." sabi ko sa kanya habang tumatawa.
"tss. bata." sabi ni kuya. Eto talaga basag trip. Palibhasa kase hindi dito nag aaral si ate Hailey eh.
"psh. tara na nga." aya kila Gela dahil hindi pa naman namin ka section sila kuya ngayon. Pag dating namin ng classroom eh nandun na ang magaling kong "step-sister" tss.
"hi my step-sister!" sabi niya habang nakangiti. psh plastic talaga. Plastican pala ang gusto niya edi I will also play the game.
"hi dear step-sister!" nakangiting bati ko sa kanya. kita ko naman na ngumisi siya.
"have you accept the fact that pinagpalit kayo ng dad niyo for us?" nakakaloko niyang tanong.
"yes of course my dear step-sister. we're totally fine without him, baka kayo kapag nawala si dad hindi niyo kayanin" nakangiti kong sabi sa kanya. At halata naman siyang nainis.
"what?! are you saying that we can't manage without him?" galit niyang sabi.
"oh no I didn't said that. YOU said that. and please wag kang makielam sa pamilya namin, you sahould worry about yours. baka kasi lahat ng meron kayo mawala kaagad na parang bula" nakangiti ko pa ring sabi sa kanya at umupo sa upuan ko.
Tinignan niya ko ng masama. She was about to attack me but someone's shouted.
"STOP THAT!" I know that voice.
"But Dylan siya yung nag simula!" sabi pa ni Addison.
"We heard it all, ni-record pa namin. Gusto mong marinig?" sabi pa ni Ella.
"What are you even doing here b*tch?!" sabi pa niya. at halatang hindi nagustuhan ni Tyler yon. Kilala ko si Tyler papatulan niya ang kahit sino na nag sabi ng masama kay Ella o kaya kung sino man ang may ginawang masama kay Ella. Kahit babae pa.
"we are visiting our new classroom." kalmadong sabi ni kuya.
After he said that nag sitilian na ang mga babae kong kaklase. kala mo naman artista ang magiging kaklase nila. I looked at kuya confused, kase hindi pa naman namin sila totally classmates.
ang bilis naman ni mom. ano kaya sinabi niya sa principal? baka friends sila?
Lumapit sakin si Kuya.
"sabi ni mom okay na daw kaya dito na kami tumuloy." sabi niya na parang binasa niya yung nasa isip ko. Is he a mind-reader?
"and no I don't read minds." sabi pa niya. What?!
"kukulangin sa upuan kuya, kaya kuha kayo ng upuan niyo." sabi ko sa kanya. kumunot naman ang mga noo nila. I looked at them with a 'what?' look.
"Kath, hassle yon. hoy! kayo kunan niyo nga kami ng upuan!" sigaw ni Tyler don sa mga lalaki sa likod. Mukhang natakot yata kaya sumunod.
Inirapan nalang namin sila. Kukuha na nga lang ng upuan iuutos pa.
"ughh! dapat sila Dylan my loves ko nalang ang nag transfer dito sa section na toh eh! at hindi na yung mga b*tch dyan!" parinig ng 'step-sister' ko.
"dapat kase tinitikom nalang ang bibig ng mga TAO dyan na wala namang magandang sasabihin. kaya nag kakaroon ng Air pollution eh." parinig ko din. At halata namang narinig niya iyon kaya tumayo siya at mukhang galit.
"what did you just said about me?!" sigaw niya saken. toh namang babaeng to wala naman akong sinasabing pangalan eh.
I looked at her innocently.
"huh? wala naman akong binanggit na pangalan ah. bakit? affected kaba?" sabi ko sa kanya at hinila niya ang buhok ko.
"you b*tch! kaya kayo iniwan ng tatay mo eh!" sabi niya saken. Hinila naman siya palayo ni Dylan.
"atleast ako nakikita ko pa siya, nakakausap. eh ikaw? asan tatay mo? umaasa lang naman kayo sa tatay ko eh! kung makapag salita ka kala mo hindi ka iniwan ng tatay mo!" sumbat ko pa sa kanya. Inayos ko ang uniform at buhok ko ng mag bell. Lunes nga pala ngayon at may morning assembly. Habang nag lalakad palabas masama pa din ang tingin sakin ni Addison.
"oh kath kalma, wag mo na kasi siyang pa tulan." sabi sakin ni Dylan. Tsk kala ko naman sakin siya kakampi, ano yon hahayaan kong apihin niya ko? there's no way I would do that. Oh well friends lang naman ang turingan naming dalawa.
"psh hindi naman ako ang nauna." sabi ko at lumayo sa kanya. Tumabi ako kila Shai at Sofia. I was actually upset kasi hindi man lang niya tinanong kung okay lang ba ako.
"Kath okay ka lang? hindi ba masakit yung sabunot ni Addison kanina sayo?" Tanong sakin ni Shai. Nginitian ko naman siya.
"Hindi okay lang." sagot ko sa kanya.
"totoo pa lang siya ang step-sister mo. Pero pinag tataka ko din kung asan yung tatay niya." sabi pa ni Shai.
"oo nga, baka niloko don nung mommy niya kaya siya iniwan." singit naman ni Gela na katabi ni Shai.
"wag na natin silang pag-usapan." sabi ni Sofia kaya tumahimik na kami.
After the morning assembly ay pumasok na kami sa classroom. Nakita kong nakaupo si Dylan sa tabi ng upuan ko, kaya kinuha ko ang nag ko at kay Gela ako tumabi. Kita ko naman ang pagkalungkot ng mukha ni Dylan.
"oh Mr. Klaiden Chris Mariano and the others, welcome to our section" Naku binanggit ang buong pangalan ni Kuya HAHA. ayaw ni kuya na binabanggit ang buong pangalan niya pang totoy daw kasi hahahahah. well ako gusto ko yung pangalan ko eh Katherine Celestine ang ayoko lang yung Mariano. Joke! syempre mahal ko pa din tatay ko ayoko lang yung step-sister ko.
Tapos na ang morning classes namin. hayy natapos din sa quiz, mahirap yung quiz pero kinaya ko naman. Quiz palang mahirap na pano pa kaya kung exam. Hindi ko nga alam kung pano nasagutan nila Kuya yon eh.
It's already lunch time, nandito kami ngayon sa rooftop ng school at kinakain yung pagkaing binili namin sa canteen kanina ayaw kasi namin sa canteen kase alam niyo na, our evil step-sister is there.
"I still can't believe na step-sister niyo si Addison, like what a coincidence diba?" sabi ni Francine. Oo nga, what a crazy coincidence.
"I'm curious though asan kaya yung tunay na father niya?" tanong pa ni Shai.
"oo nga." sagot pa ni Gela.
"or baka kapatid talaga natin siya." sagot ni kuya. I looked at him unbelievably. There is no way na anak siya ni Dad. Like no!
"no way!" sagot ko naman. Like no! I can't accept it if it's true. ok na, na step-sister ko siya pero I can't accept her as my sister in blood.
"malay mo lang Kath." mahinahong sabi ni Kuya saken.
Lumabas sina Liam, Sofia, Gela, at Ethan para itapon yung mga pinagkainan namin. Nag laro pa kami para lang malaman kung sino yung mag tatapon.
Tumabi sakin si Dylan, pero hindi ko siya pinansin. I'm still upset about earlier. I know. I get upset really easy, especially if the person is special to me.
"hey, what's wrong? kanina mo pa ko hindi pinapansin." mahinahon niyang tanong sakin habang hinawakan yung kamay ko. mapagkakamalan kaming mag jowa dahil dito eh! Yung sinusuyo ako ni Dylan dahil nag seselos ako ganon!
"ah wala, napagod lang siguro utak ko dahil sa quiz kanina sa math. hahaha" kunwaring natatawa kong sabi.
"alam niyo kung hindi ko kayo kilala, iisipin kong mag jowa kayo." natatawang sabi ni Ella.
"oo nga HAHAHA" pagsangayon naman ni Tyler. Hay tong dalawang toh talaga kung ano ano lumalabas sa bibig.
"hoy, kayong dalawa kung ano ano talaga lumalabas sa bibig niyo." sumbat ko sa kanila kaya mas tumawa pa sila.
nakita ko namang may binulong si Tyler at Shawn kay Dylan. Hindi ko alam kung ano yung binulong nila, kung bakit biglang namula si Dylan! ang cute!
Tinitignan ko siya at bigla naman siyang lumingon sakin kaya nag tama ang tingin namin, pero bigla siyang nag-lipat ng tingin at biglang namula. Ang cute niya pag namumula!
"ang cute mo pag namumula ka Dj!" I sometimes call him DJ kase Dylan Jack diba!
"yiee cute mo daw Dj!" pang-aasar ni Tyler at Shawn. Kaya ayun, namula pa lalo HAHAHAHAH ang cute talaga! Hindi ko napigilan ang sarili kong pisilin ang pisngi niya.
I'm so happy right now, I hope it's always like this. Pero alam ko na lahat ng sayang nararamdaman ko ngayon ay mapapalitan din ng lungkot bukas o sa ibang araw. It's like that, every tomorrow is a mystery.
_____________________________________________________
^_^