8

2207 Words
"Oyy, okay ka lang? Nanginginig ka diyan?" Halakhak ni Fiona. Katawa-tawa yata sa paningin niya iyong kabang nararamdaman ko. Samantalang ako, hindi na mapakali simula pa kanina. Sobra-sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko kahit walang nakapansin. Hindi ko alam kung dapat bang lantaran na magalit ako kay Kuya Rameil o umiwas na lang at hayaan ang nangyari? Nginig na nginig pa rin ako, lumala pa yata. Hindi na ako nilalamig ngunit pinangingilabutan sa ginawa ni Kuya Rameil. Muntikan na talaga... kung hindi naramdaman nito ang pag-alma ko, siguro tinuloy na nito. Hindi ako makatingin sa kanya kahit noong kumain kami ulit at bumili ng pasalubong, na siya ang nagbayad, dahil sa kahihiyan. Hanggang ngayon nanunuot sa balat ko ang paggapang ng daliri nito sa loob ng hita ko... nagpupumilit kahit nakatikom, at umabot nga sa siwang... nasa singit ko na actually. Mabuti at natauhan ako at mabilis na pumiksi. Iyon ang una... at magiging huli dahil talagang buong weekend hindi na ako lumabas ng bahay. Inabala ko ang sarili sa mga gawaing bahay at binantayan ko rin si Israel na marunong ng dumapa. Isang Linggo bago ang katapusan ng pasukan, nagulat ako noong tumabi sa amin si Romana. Talagang nakalimutan ko na ang isang 'to. Akala ko kasi okay na dahil napagbigyan na namin ang kapatid nito noong namasyal kami sa City. Akala ko talaga magiging matiwasay na ang buhay bakasyon ko. Kaso nakikiusap— "Birthday mo yan di'ba? Sabi ni Kuya natanong daw nito kay Tito na hindi raw kayo maghahanda? E nag-offer kasi si Kuya na night swimming malapit sa paanan ng bundok. Nakapagbook na rin siya, good for 50 people. Saka may mga rooms at pagkain na ring nabayaran. Pumayag na rin ang parents mo pati si Mama." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Walang nakapagsabi sa akin! Walang nakapagbanggit. Kaya reasonable ang pagkakagulat ko. Next week na ang 18th Birthday ko kaya alam ko talagang maghahanda sina Mama. Iyong simpleng handaan lang. At balak ko sanang mag-imbita ng mga kaklasi. Kakaunti lang at yong siguradong malapit din sa akin. Kaya lang... magiging iba ang venue. At nangialam si Kuya Rameil. Alam kong maykaya ang pamilya nito. Nasa abroad si Tatay Lando kasama nito si Ate Alexis, saka piloto si Kuya Rameil kaya siguradong malaki ang sahod, ngunit abusado... alam kong naghahabol ito, may gustong kunin. At nagpupumilit. Hindi na ako nagulat noong tuwang-tuwa sina Mama't Papa nang umuwi ako noong araw na yon. Sinalubong na kaagad nila ako ng balitang may sponsor daw ako. Magni-nightswimming sa araw ng kaarawan ko at pwede akong magsama ng mga kaklasi. Alam ko na iyon at nagdadalawang isip pa ako. Iniiwasan ko nga si Kuya Rameil, pagkatapos ang gusto nito... Kabadong-kabado na ako dahil tapos na ang klasi. Tinatanong at binibisita rin ako ni Fiona at Romana tungkol doon sa mga iimbitahan. Ililista daw ni Fiona para sa pass ng resort. Hindi ko alam, kaso excited din sina Mama't Papa. May hot spring din kasi roon, kaya ganoon kasaya sina Mama. Paano ba 'to? "Eh kung ako na lang kaya ang maglista? Kilala ko naman lahat ng medyo ka-close natin sa classroom." Suhestyon ni Fiona tatlong araw pagkatapos na hindi pa rin ako makapagdesisyon. Tinitigan ko tuloy ang kabilang bakod, nasa labas kami at hindi ako mapakali. Pakiramdam ko anytime pwedeng lumabas si Kuya Rameil diyan. Isang araw bago ang kaarawan ay nagpakita ulit sina Fiona at Romana. May final list na ng mga pupunta... sa lahat ng nakalista doon ako lang ang hindi handa. Paano ko ba ipapaliwanag sa lahat na kaya hindi ako excited ay dahil kay Kuya Rameil? Hindi ko alam... hindi ko talaga alam. Gulong-gulo ako sa nangyayari. At hindi ko na napansin na nangyari na nga kinatatakutan ko. “Pwede mong ilagay diyan,” turo ni Nanay Minda. May mga dala rin kaming mga pagkain. Nakakahiya na ngang binayaran na ni Kuya Rameil lahat-lahat ay wala pa kaming ambag. Tinulungan ko si Papa magluto, si Mama ang naghanda para sa ibang dessert. Mabilis lang iyon kaya alas tres pa lang ay mga sasakyan nang nakaparada sa harap ng bahay namin. Di ko nga alam kung saan nanggaling yan, basta nagulat na lang ako pagkalabas ay may mga van at jeep na. Siguradong pakana ni Kuya Rameil. Marami kaagad ang bumati. May mga nag-abot ng regalo... at nahihiya talaga ako sa totoo lang. Nakasout ako ng romper sleeveless na stripe ang design, gray at blue’ng pinaghalo ang kulay ng tela. Kaya ngiting ngiti na naman si Fiona. Isang oras ang ibinyahe. Katabi ko si Mama’t Papa sa isang van. Ang nakasunod kami sa sasakyang gamit noon ni Kuya Rameil ng namasyal kami sa City. Hindi ko alam kung nandiyan siya, hindi ko nasilip... at hindi naman nagpakita. Kaya hanggang ngayon hindi mamatay-matay ang kabang nararamdaman ko. Dapat nga ay mag-enjoy ako ngayon. Maganda ang venue at maraming puno, may mga niyugan sa malayo... at sobrang lapit sa bundok. Halos tanaw na nga namin ang ituktok. Kaya lang paano ako mag-eenjoy kung sa pagbaba ko ay natanaw ko si Kuya Rameil na naka-shades at puting t-shirt, khaki shorts at tsinelas. Napaawang talaga ng literal ang labi ko sa gulat. Alam ko naman at ramdam kong nandiyan lang yan kanina, kaso iba pa rin talaga kapag nakita na ng malapitan. “Happy Birthday, Kelsey.” Ngiti nito, hinubad pa ang shades. Nakarinig ako ng impit na tili. For sure, galing sa mga kaklasi kong nagpipigil lang na wag magpapansin masyado kay Kuya Rameil. “Nak, magthank you ka.” Bulong ni Mama. Napatikhim tuloy ako at bahagyang yumuko bago nagsabi ng, ‘thank you’. At tumulong sa pagbitbit ng mga pagkaing inihanda namin nina Mama’t Papa. Nakitulong din ang ilan sa mga kaklasi ko, kapitbahay at si Kuya Rameil na talagang lantaran ang pagdikit sa akin. Pakiramdam ko ako yong pusang animation na nagsitindigan ang mga balahibo sa katawan. Pinangingilabutan ako! Animal! “Best, di ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa’yo. Pulang-pula ka.” Natatawang sabi ni Fiona nang naiayos na namin ang lahat sa isang pahabang mesa malapit sa swimming pool. Mas lalong hindi na ako mapakali. Nakahawak na sa pisngi at pakiramdam ko ay hindi na mawawala iyon. Tulad ni Romana na mas lalong namula, hindi sa init ng panahon kundi sa mga nangyayari. Tinitigan ko tuloy si Kuya Rameil na nakikipagtawanan sa mga kapitbahay at kina Mama’t Papa doon sa isang open na umbrella cottage. Ang mga kaklasi ko e kanya-kanya ng bihis. Samantalan ako hindi ko alam ang gagawin. Nakatitig lang talaga ako roon, at nakitang kinuha nito si Israel at nilalaro. “Kung hindi lang talaga kita kilala iisipin kong may gusto ka na kay Kuya Rameil,” pigil ngiting sabi ni Fiona, na siyang nagpaagaw sa atensyon ko. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi at inaya silang magbihis. Mamayang gabi pa naman ang handaan, kaya susulitin namin ang pagligo sa tatlong pool. May mga pambata, may katamtaman at may pang-Olympic. Marami na nga ang nasa pambata, mga anak noong kapitbahay namin. May isang room na pwede kaming tatlo. Kaya doon kami nagbihis. Nauna si Fiona, sumunod si Romana na nagmukhang mas bata kesa sa edad nito dahil puro pink at sobrang liit noong two piece nitong sout. Nalaglag lang talaga ang panga ko nang nakita itong nakaganoon dahil kahit sabihin pang bata pa talaga e sobrang kinis at humuhulma nang nagdadalaga iyong katawan. “Bakit po Ate?” Nahihiyang kamot ng ulo nito. Umiling ako, natatawa ngunit hindi na nagkomento. Ako ang sumunod, at nainis yata si Fiona pagkakita sa suot ko. “Bakit Fion?” Iling ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. “Teka, may dala yata akong extra dito.” Sabi niya lang at nanghalukay ng mga gamit. Namilog ang mga mata ko nang nakita ang ‘extra’ng sinabi nito. Isang one piece swimsuit, matatakpan panigurado ang harapan, hanggang bewang at panty like ang bikini... ngunit iyong likod siguradong kakabagin ako. “Isuot mo na,” pamimilit nito. Umiling ako, paninindigan ko. Dahil hindi ko kayang magsuot ng ganyan lalo na at siguradong nandiyan lang sa labas si Kuya Rameil. “Manang o,” tukso ni Fiona. May pag-irap pang nalalaman. Umirap din ako at nagulat yata si Romana kasi para siyang nailang at bahagyang lumayo sa amin. Natawa tuloy ako at sumunod si Fiona na napansin ang ginawa ng isa. “Nag-aasaran lang kami, ano ka ba.” Iling ni Fiona. Ngumiti ng mahinhin si Romana. At nagsuklay sa harap ng salamin bago nagbugkos ng buhok. Pati ang kilikili nito ay maputi. Makinis talaga... “Bahala ka na nga... dapat mas seksi ka sa lahat dahil araw mo. Ano ba yan? Sleeveless saka shorts?” Tukso ni Fiona nang ibanalik ang kinuhang gamit doon sa sariling bag. Umiling ako at nagdesisyon na e-bun na lang ang buhok. Maliligo talaga ako. Pagkalabas nga ay maingay na. Halos nasa pool na ang ilan. Iyong mga matatanda ang naiwan malapit sa payong na silungan at doon sa pahabang mesa. Lumapit muna ako kay Mama at binuhat si Israel. Hindi ko na nakita si Kuya Rameil, ganoon din si Nanay Minda. Siguro bumisita muna sa kani-kanilang room. May dumaang attendant kaya tinawag ni Mama at napatanong kung nasaan banda ang hot spring. Ay oo nga pala, meron pang hotspring. Magpapahatid daw ang mga matatanda mamaya. Maiiwan kami dito. “Kelsey! Dali na!” Tawag ng mga kaklasi. Ibinalik ko si Israel at lumapit sa gutter. Nandoon ang mga kaibigan sa Olympic pool. Tumalon din ako at nakisaya. Sinulit namin ang mga oras habang papadilim. Nilingon ko na nga ang paligid at nakitang wala pa rin si Kuya Rameil. Napakagat labi tuloy ako at naisip, iniiwasan ba ako ng taong yon? Ay ewan, Alas sais ng tinawag kami ng matatanda at inayang maghapunan muna. Pumwesto ako malapit kina Mama at kahit basa ay nakitulong kay Papa sa paglagay ng maayos ng mga dumating na handa. Galing yata sa kusina ng resort. Nakikitulong din ang mga teenagers at nilagay ng maayos sa dalawang pahabang mesa na pinagdugtong. Grabi ang kaba ko ng makita ang maraming pagkain. Punong-puno ang mesa at mukhang wala ng ibang mapaglalagyan. Hindi naman gaanong maingay ang paligid, bumalik na rin kasi ang mga matatanda at pumwesto malapit sa mga mesa’t upuan. Nahihiya talaga ako, sobra. Bumukas ang malaking gate sa malayo at pumasok ang sasakyan ni Kuya Rameil. Agaw pansin, siguro dahil maingay at kulay puti iyon. O dahil sa mga nakaabang na staffs? O talagang— “Aheemm,” natatawang tukso sa akin ni Fiona. Nagulat din sina Mama’t Papa. May ibang namangha... may ilang nakikitukso na lang. lalo na noong tinulak ang apat na layer ng malaking cake na nakapatong sa malaing stroller. Lunok na ako ng lunok. Nandoon si Kuya Rameil. Nakatitig sa akin at nakikitulak din sa mga staffs. Hindi ako mapakali... kabadong-kabado ako. Pinanlalamigan na para akong magkaka-LBM habang bumibilis ang t***k ng puso ko. “Happy Birthday to you~ Happy Birthday Kelsey—“ Lunok na ako ng lunok. Hindi ko maintindihan kung nasusuka ba ako o nahihiya sa nangyayari. Basta nasa malapit na ang cake. Gumilid ang mga staffs. Tumabi sa amin si Kuya Rameil. At nakasindi na ang kandila sa palibot ng cake. Sa sobrang laki niyan hanggang unang layer lang ang mauubos ng bisita. May nakalagay na personalized cartoon picture ko at 18th birthday doon sa ituktok. “Blow mo na,” bulong ni Kuya Rameil. Napapiksi ako at napatitig sa kanya. Na nakangisi habang nakababa ang mga mata sa akin. Hindi yata narinig nina Mama kasi inutusan ulit akong i-blow iyon. “Happy legal birthday Kels,” sabi ni Nanay Minda at hinalikan ako sa pisngi. Nakisunod din ang mga matatanda at bumati rin ang ilang bisita. Saka nag-umpisa ng kumain at kanya-kanyang pwesto sa kani-kanilang mesa. Parang mas sumobra pa ito sa bonggang tinukoy ni Papa noon. Sa sobrang dami ng mga pagkain at sa magandang venue, kulang na lang mag-gown ako. “Happy Birthday ulit, Kels.” Napakurap ako at napatitig sa katabi. Nagulat na nandoon si Kuya Rameil at hinawakan ang kamay kong natatakpan ng pahabang mesa. “Wag mong itatapon, regalo ko.” Tinap nito ang kamay kong hawak kanina. Nakapa ko na parang may magaspang na lace. Di ako sure, gusto ko sanang tingnan kaso nahihiya naman akong baka may makahuli. Pasimple ko na lang ipinasok sa bulsa ng shorts at nakisabay sa pagkain. Katabi ko sina Mama’t Papa habang nasa lagayan naman si Israel, katabi namin halos matatanda at kapitbahay na lang din namin. “Apo, kayo ba ni Rameil? Pinaghandaan ka talaga ng sobra.” Sabi ng isa sa mga kapitbahay namin. Sa haba ng paghahanda at pagdadalawang isip, at simula ng kasiyahan kanina ay talagang ngayon pa lang may naglakas loob na magtanong. “H-ha? Hindi po,” iling ko, nahihiya. Natawa si Nanay Minda na siyang nakaagaw ng pansin ko. “Nanliligaw...” sabi nito na siyang ikinagulat ko at napalingon sa mga magulang na ngumiti lang hindi nagkomento. Pakiramdam ko iyon din ang tingin nila. “Don’t worry nak, kinausap ko ng masisinan iyan... kapag niloko ka, echapwera na iyan sa bahay.” Ngiting may kapanatagan ang ipinakita sa akin ni Nanay Minda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD