Mabilis lang na natapos ang araw ko. O araw namin ni Nicko. It was like a flash, done with just one blink.
Pareho kaming inienjoy ang buong araw kaya hindi na namin namalayan ang oras. Hinatid ako pagkatapos ni Nicko, hinalikan ko na lang ito sa pisngi pagkatapos kong magpaalam. Nang lumingon ako ay nakita ko itong napakamot batok, ngunit halata ang ngiti sa labi. Nagpipigil naman ako ng ngiti bago tumuloy, Sunday bukas at napagplanuhan naming magsimba. Kaya maaga akong matutulog ngayong gabi.
Kaya lang hirap din akong makatulog. Para akong baliw na napapatulala sa kisame at nauuwi sa unconscious na pagngiti. Look like I got crazier this time.
Mabuti na lang nakatulog din ako kalaunan. Medyo late pero okay na iyon dahil nagising naman ako nang maaga kinabukasan.
Mabilis kong tinapos ang morning routine— I bath, I cook for my breakfast and I dress up. Di ko rin kinalimutan ang isang na regalo sa akin ni Ate Alexis noon. I wear my terno jewelry, nagpabango rin ako at umalis na sobrang ganado.
Floral dress na medyo fit sa akin ang sinuot ko at nagdala ako ng maliit na bag sakto para sa kakaunting pera at ilang personal things tulad ng cellphone, roll perfume at maliit na suklay.
Kakababa ko pa lang nang tumawag si Nicko. Nag-init kaagad ang pisngi ko at sinagot iyon.
“Nasa baba na ako, Ro. Hihintayin kita malapit sa entrance.”
“Nasa baba na rin ako. Wait! I already saw you.” Ngiti ko at ngumiti rin ito pabalik.
Pagkalapit ay hinalikan ko ito sa pisngi. Medyo naasiwa lang ako sa balbas nitong kumikiliti sa pisngi ko.
“Buy tayo mamaya ng razor, let’s shave your beard.” Bulong ko.
Ngumiti itong tumango. Natuwa ako roon, finally... he’ll shave, I’ll shave his beard. Makikita ko nang maayos ang mukha niya. I bet, he got a pretty face. No’ng unang beses na nakita ko ito, hindi ko talaga makita kung saang anggulo ang mga nagugustuhan ng mga babae sa kanya. He somewhat reminded me of a horror movie, siya na nakatayo malapit sa balete. Na maling-mali na isipin na ganoon.
But when you stare longer, makikita na gwapong lalaki rin naman si Nicko. Hindi iyong sobrang gwapo pero gwapo, malakas ang appeal. And all I can say, talo ng malakas ang sēx appeal ang gwapo lang. He attracts, truism.
“Bili na muna tayo ng kandila.” Aya sa akin ni Nicko. Hawak niya ako sa kamay, parang bata ang tingin nito sa akin. Takot nga yata na mawala ako sa dami ng mga taong nagsisimba ngayong Linggo.
Tapos sumindi kami ng kandila roon sa kabilang rebulto. I prayed na sana si Nicko na hanggang sa huli. I feel secure around him, I feel so comfortable which was I never experienced to other guys. Sa kanya rin ako nagtatagal nang pagtitig, na hindi ko nagagawa sa iba.
“Naniniwala ka pa rin ba rito? Sino bang nagsabi sa’yo na kapag sumindi tayo rito ay mabibigyan tayo ng chance na magkaanak?”
“Shh, wag ka ngang maingay. Wala namang mawawala kung susubukan natin ‘to. We’ve been waiting for years, ano ba at magdasal at magsindi tayo kahit ngayon lang?”
Nanlalamig na napakapit ang kamay ko kay Nicko. Medyo namimilog pa ang mga mata ko at tumingala, tinitigan ang rebultong ‘to. Nandito lang sa tabi ang couple na ‘to, na lantaran ngang sinabi iyon, na nagsindi para magkaanak.
Halata rin ang pagkakabigla ni Nicko, kaya hinila ako paalis doon. Init na init ang pisngi ko habang nakasunod ang mga mata sa sapatos nito. Hila-hila niya ang kamay kong nakasalikop sa mga daliri niya.
Pagkatapos ay nagdahan-dahan na rin sa wakas iyong paglalakad namin. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng simbahan. Mag-uumpisa na ang misa ngunit dahil punuan ay pumwesto na lang kami malapit sa entrance.
“Dito ka...” bulong nito at giniya ako papunta sa harapan nito. Doon ko lang din naramdaman ang braso niyang pumulupot sa bewang ko. And I realized, he’s trying to protect me.
Napatingala tuloy ako sa kanya at ngumiti siyang nakababa ang mga mata sa akin. Kinagat ko ang sariling labi at ibinaba ang mga mata. Pinilit kong magconcentrate sa homily. It was refreshing, not until Nicko lowered his head and kiss me on my cheek. Nag-init na naman ang pisngi ko at hiniling na sana matapos na kaagad itong misa.
Nagsiksikan ang mga tao habang umaalingawngaw sa paligid ang awit para sa pagtatapos ng mass na ‘to. Mabuti nandiyan lang si Nicko at protektado ako sa malapad at malaki nitong pangangatawan. Hindi na ako mag-alala pa para sa magulong dagat ng mga tao.
“Bili na tayo noong mga kailangan mo.” Sabi niya.
Tumango ako at hinigpitan pa lalo ang pagkakasalikop ng kamay namin. Na para bang natatakot na baka ako pa mismo ang makakaligaw sa sarili.
“Dito na tayo? Masyadong malayo ‘pag pumunta pa tayo ng Mall. Saka uuwi na rin tayo, para maipagluto kita ng lunch.”
Mabilis akong tumango at pumili ng mga pangshave, dalawa ang binili ko... isang electric at isang manual. Pagkatapos nagtanong na rin ako tungkol doon sa nilalagay para maiwasan ang pagkakasugat o rashes kay Nicko.
“Iyan lang? Wala na?”
Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa supot. Pagkatapos naming mabayaran ay tumawag na kami ng masasakyan.
“Ang tagal na noong huling shave ko kaya hindi ako sigurado kung magiging maayos ba iyan mamaya.”
“Dahan-dahanin ko, don’t worry... aayusin ko.” Sabi ko pa.
Tumango ito, ilang minuto lang nasa tapat na kami ng apartment nito. Pagkapasok nga sa itaas ay hindi na ito tumunganga. Diretso kaagad sa kusina at naghanda ng mga kailangan pa sa lunch.
Ako nama’y tinesting ko ang mga binili. Maayos naman at excited na ako sa mangyayari mamaya. Kabado ako para sa itsurang madadatnan mula kay Nicko. Ano kaya ang tunay na itsura nito? But I am sure... gwapo iyon.
“Gutom ka na ba?” Silip ni Nicko.
“Okay lang, hindi pa naman.”
Tumango ito at tinuloy ang pagluluto. Isang oras din iyon, abala siya roon samantalang abala rin ako sa mga gamit na nandito. Isa-isa kong binasa at inintindi. Ayaw ko kasing masugatan si Nicko mamaya. Hindi ako marunong pero napag-aaralan naman ang maliit na instruction.
“Ro, halika na. Kain na tayo.”
Mabilis kong nilapag ang mga gamit at lumapit sa kanya. Pansin ko ngang nakatitig siya sa suot ko ngayon. At no’ng napansin niyang nakamasid din ako sa kanya at malumanay itong ngumiti.
“Ang ganda-ganda mo, Ro. Bagay sa’yo yang mga ganyan. Let’s consistently attend mass every sunday, okay?”
Mabilis akong tumango at kumuha ng mga kubyertos na gagamitin namin. Nakitulong din si Nicko at nilagay sa isang malaking mangkok ang sinabawan nito na may halong puso ng saging. Amoy pa lang parang nakakagutom na.
Ni hindi na muna kami nag-usap at nagsimula na sa pagkain. Walang nagsasalita at konsentrado sa pagsubo. Nabusog nga kaagad ako, ganoon din si Nicko. Nagboluntaryo na ako na ako ang maghuhugas. Mabilis lang naman iyon... dalawa lang naman kasi kami ang kumain kaya natapos din kaagad.
Nadatnan ko pa si Nicko na sinisipat ang mga binili ko. Kumuha na muna ako ng ekstrang face towel doon sa silid nito bago lumapit sa kanya. Nagpasuyo ako sa kanya na isaksak itong saksakan ng razor. At dito na ako pumwesto sa harap niya.
“Sigurado ka hindi ka magagalit sa’kin? I’m gonna shave a part of your life.”
Natawa ito nang kaunti,
“Hindi kailanman ako nagalit sa’yo, Ro. Go on shave me to death.”
Natawa tuloy ako at uumpisahan ko na sana ang pagtitrim na muna nang pinapigil niya ako.
“Sa restroom na, kakalat yan dito.”
Ay, oo nga pala. Napilitan akong ligpitin ang mga gamit at sabay kaming naglakad papuntang kusina bago lumiko sa restroom.
Dahil sa laking tao ni Nicko, nagmukhang maliit itong malapad niyang restroom.
Nakisuyo ulit ako at pinasaksak ang razor. I started shaving his beard, dahan-dahan at sinisigurado kong hindi siya magkakasugat ng dahil sa akin. Minsan nagkakatitigan kami, madalas concentrate ako sa pagsheshave sa kanya.
Nangalay nga yata ito at pinatigil na muna ako sandali. Napangiti nga ako noong makita na hindi pantay ang balbas sa panga nito. Umiling siya, natatawa rin bago nakipagpalit ng pwesto sa akin. Nakasandal na ako sa maliit na sink, habang nasa harap ko naman si Nicko na bahagyang dumukwang kaya napasinghap ako at napapikit.
Ngunit maling akala lang pala iyon, pareho niyang ipinan-alalay ang dalawang kamay sa magkabila kong gilid. Iyon bang, nakayuko siya nang bahagya at nakakulong ako sa kanyang mga braso.
Nag-init na naman ang pisngi ko, dahil sa posisyon namin ngayon.
“Go on, continue Ro.”
Tumango ako at nanlalamig pa na sinimulan ito, tutok na tutok ako at ingat na ingat. Hanggang sa bahagyang luminis na ang panga nito. Inabot ko iyong ginagamit para sa mga maliliit na balbas. Nilagyan ko at inabot ang pang-ahit.
Dahan-dahan at chinecheck ko ang dinadaanan ng pang-ahit, baka malingat at magkasugat si Nicko.
At ganoon na lang ang tuwa ko nang patapos na iyon. At finally... I’m done. Napatingala ako kay Nicko at napasinghap sa nakita... ang gwapo nga niya! Ang lakas ng dating, ang linis-linis niyang titigan. Ang sarap niya pala talaga sa mata.
Pero hindi lang iyon e. Nakatitig sa akin si Nicko, malalim at parang kanina pa iyon.
“Hugasan ko lang,” seryosong tinuro nito ang sink.
Tumango ako gumilid. Titig na titig ako sa kanya. Kinakabahan at namamangha pa rin sa mukha nito. He looks so much different without beard. He looks so much younger than he's age. Ang gwapo nito. Iyong totoong tall, dark and handsome. Na minsan ko lang talaga masasabing nabigyan na sa wakas ang tunay na kahulugan noon.
Bumalik sa pagkakatayo si Nicko, nakatitig pa rin sa akin. Ang lalim nga e kaya naiilang ako. Pero itong si Nicko, inabot ang panga ko at nilapit sa kanya hanggang sa natagpuan ko na lang ang sariling kahalikan si Nicko. Sa sobrang lalim, kahit hindi ako marunong, ay para akong nalulunod. Ang bilis-bilis niyang humalik, parang mapaghanap at parang may hinahabol. Di ako makasunod, basta ang alam ko...
Ang sarap pala mahalikan?