┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Magulong-magulo ang isip ni Maguz habang mabilis na kumikilos ang kanyang grupo. Bawat isa sa kanila ay nakaharap sa laptop at kumikilos, iniisa-isa nila ang posibilidad na lugar kung saan dinala si Janine. Alam nila na bawat segundo ngayon ay napakahalaga dahil buhay ni Janine ang nakasalalay dito. Hindi niya matanggap ang nangyari, hindi niya matanggap na siya mismo ang dahilan kung bakit naisahan sila. Dapat ay nakinig siya kay Janine, dapat ay hindi niya hinayaang makakilos sa loob ng kanyang bahay ang babaeng 'yon. Dapat ay inalis na niya sa lugar na 'yon ang Danica na 'yon. Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi siya naging alerto, na sana ay naging mapagmatyag siya sa ikinikilos ng babaeng 'yon, na sana ay naging mas maingat siya. Pero wala na siyang magagawa p

