┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Anim na buwan na ang lumipas mula nang nilisan ni Maguz ang Pilipinas. Isang mahaba, mabigat, at tila walang katapusang anim na buwan na wala siyang ginawa kung hindi isipin ang mga nangyari sa buhay nila ni Janine. Ngayon ay naninirahan siya sa Amerika kasama si Xyruz at ang kanilang ina, sinusubukang makalimot sa pag-ibig na inaalay niya para lamang kay Janine. Hindi madali. Hindi kailanman naging madali. Pero kahit papaano... sa kabila ng mga gabing walang tulog, sa kabila ng mga araw na tila walang kulay ay unti-unti siyang nakakabangon. Hindi pa siya ganap na nakakalimot at sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili, pero hindi naman siya sumusuko sa buhay. Was he fully recovered? No. Even now, he’s still in pain, but he keeps fighting. Si Owen naman ay naiwan sa Pilipin

