┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ano na, seryoso ka ba? Manghaharana? Are you out of your mind?" Sabi ni Owen habang napapakamot sa batok, halatang hindi makapaniwala sa kabaliwang pinaplano ni Maguz. "Bro, huwag mo akong isama diyan ha. Hindi naman ako marunong kumanta. Para lang akong askal na nauulol sa sobrang init. Para lang tayong umaalulong na aso sa harapan ng gate nila Janine kapag itinuloy mo 'yang plano mo. Tapos ikaw din naman, hindi ka rin marunong kumanta. So anong plano natin, duet ng dalawang sintonado? Sa halip na kiligin si Janine, baka batuhin tayo ng ebak ng kalabaw. Hindi ko pinangarap na umatungal ng ngawa sa harapan ng gate ng mga Fernandez, so screw that dahil hindi 'yan mangyayari." Inis na sabi ni Owen. Natatawa naman sa kanya si Maguz, as if naman ay marunong kumanta, pero ang

