┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Maguz, hindi ba magaling kang umakyat ng puno ng buko?" Tanong ni Janine habang nakatingala sa matayog na puno, sinusuri ang malalago nitong dahon na marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. May bahagyang kunot sa kanyang noo habang iniisip kung paano niya mapapa-akyat si Maguz sa itaas ng puno upang kumuha ng mga bunga nito. Napakamot naman si Maguz sa batok at saka napangiti na tila ba nahihiya sa kung ano man ang isasagot niya sa dalaga. "Babe, kung tutuusin, hindi naman talaga ako magaling umakyat ng puno ng buko. That day? It was a different story. Sa totoo lang, it was pure adrenaline na lang talaga ang dahilan kung bakit ako nakaakyat nang ganoon kabilis. Ang bilis kaya ng pagtibok ng puso ko ng araw na 'yon kaya walang kaabog-abog na inakyat ko 'yong puno ng buko wi

