┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Totoo ba ‘to, mahal ko? Sinasagot mo na talaga ako?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Maguz habang hawak-hawak niya ang mukha ni Janine. Parang sasabog ang puso ni Maguz sa labis na kaligayahan dahil hindi pa man niya narinig pa kay Janine ang salitang mahal din siya nito, pero ang pagtango nito kanina at ang pagtanggap ng halik niya ay isa nang katunayan na kasintahan na niya ang pangarap niyang babae. "Tayo na ba? As in, tayo na talaga? Official? Legit? Exclusively forever and ever?" Muling tanong ni Maguz habang patuloy lamang ang kanyang mga luha, pagkatapos ay pinunasan niya ito. Bahagya pang natawa si Janine ng marinig niya ang tanong ni Maguz kahit na maging siya ay lunod sa luha. Hindi na napigilan pa ni Maguz ang sariling emosyon kaya agad niyang siniil mul

