Chapter 103 -Ang proposal-

2999 Words

-Continuation... ┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Kasabwat pala kayo ng sira ulong 'to? Akala ko pa naman kakampi ko kayo, pagkatapos ito talagang tukmol na ito ang lagi ninyong kinakampihan?" inis na sabi ni Janine habang nililingon isa-isa ang mga kaibigan niya, halatang nagpipigil ng tawa. Pagkatapos ay ibinaling niya ang masamang tingin kay Maguz na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa harapan niya at hawak pa rin ang kahita na may lamang mamahaling singsing. Natawa naman si Marcus, ipinamulsa ang dalawang kamay sa kanyang pantalon at saka ito nagseryoso ng mukha at tinitigan si Janine. Maging ang tatlong kaibigan ni Janine ay hindi na rin nakapag-pisil at natawa na lang sila habang nagpapalitan ng tingin. Hindi pa rin sila makapaniwala dahil sa nangyari. Akala talaga nila ay totoong nakidnap sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD