◄Maguz's POV► Katatapos ko lang makausap si Owen sa phone, and I swear, I can’t contain my happiness. The moment he told me the news, para akong nabunutan ng tinik na matagal nang nakabaon sa dibdib ko. I felt an overwhelming sense of relief nang marinig ko na nagising na si Janine mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Mahigit six months.... six long months of waiting, of uncertainty, of praying for a miracle at ngayon, dumating na rin ang sagot sa lahat ng dasal ko. She’s finally awake. God, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano ako kasaya kaya bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko agad ito. Dapat ay masaya lang ako kasi gising na siya. Sobrang saya ko talaga kasi alam kong malayo na siya sa panganib. Hindi ko na kailangang matakot na baka tuluyan siyang m

