Chapter 19 Napangiwi akong napamulat ng maramdaman ang sakit sa p********e ko. Muli kong na alala iyong mga nangyari kagabi at doon ko lang napagtanto na wala pa rin akong suot na damit at namutawi muli sa puso ko ang kakaibang sakit na gumuguhit dito. Napabuntong hininga akong napabangon at kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ni Gian ang nakuha niya. Tumambad pa sa akin iyong mantsa sa puting bed sheet at naramdaman ko lang ang pag agos ng luha sa mata ko. Ang tagal kong iningatan ang sarili ko, inihanda ko ito para sa taong gusto kong makasama sa habang buhay pero sa isang iglap ay nag laho iyon, dahil lang sa galit ni Gian na hindi ko maintindihan kung saan nag mumula. Marahas kong pinahid ang mga luhang iyon at nag palinga linga sa paligid para hanapin ang mga damit ko pero n

