Chapter 36 Kapos sa hangin at nanlalambot akong bumaba ng tricycle at kahit madaling araw na ay sinikap ko pa rin na makaluwas at makabalik ng manila. Si m-mama na sagasaan siya at kailangan niya ng pera para ma operahan ito. Wala akong kahit na magkano at wala na rin akong ibang alam na malalapitan sa mga oras na ito kung hindi si Gian kaya kahit nakakahiya ay kakapalan ko na ang mukha ko. Basang basa ang mukha ko sa nag hahalong luha at ilang patak ng ulan. Malakas ang buhos ng ulan at malamig din ang simoy ng hangin pero wala akong pakialam, mas mahalaga sa akin ay makausap ko si Gian. Bukas ang gate ng mansyon nila, may ilang sasakyan din ang nakaparada pero unang hinanap ng mata ko ang itim na kotse nito at nakaparada iyon.. ibig sabihin ay nandito si Gian. Hahanapin ko pa lang s

