Chapter 07 Malakas ang buhos ng ulan at malamig din ang simoy ng hangin. Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang ginawa pero nanatili akong nag hintay sa harapan ng building. Tumawag na ako sa mga kasama ko kung nakabalik na sila mula sa cruise ship at kababalik lang nila kaya hindi ako nag dalawang isip na dito unang pumunta sa kompanya ng mga Alvarez. "Miss, pumasok ka muna. Baka mabasa ka diyan." Sabi ng guard at nag pasalamat akong pumasok sa loob. May dala akong payong pero sa sobrang lakas ng ulan ay bumabaliktad iyon. Mabuti na lang ay may mabuting loob itong guard. "Kuya, anong blood type mo?" Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para mag tanong sa kaniya. Mula sa biyahe, lahat ng pasahero at mkakasalubong ko ay tinatanong ko, nag mumukha man akong tanga pero wala akong

