"I am above the weakness of seeking to establish a sequence of cause and effect, between the disaster and the atrocity." Edgar Allan Poe Ilang araw pa ang dumaan at na discharge na rin kami. Sinundo kami ng ilang kalalakihan na nakasuot ng kulay gray na polo barong at kinuha ang aming mga gamit. Pinagsuot ako ni Ronn ng dark eyeglasses at face mask upang maitago ko ang aking mukha. Naglakad kami palabas na nkahapit ang kanyang kamay sa baywang ko at ang isa naman ay karga si Lessie. Kumakabog ang aking dibdib ng makalabas kami sa pasilyo. Doon ko napansin ang ilan pang mga naka suot ng gray na polo barong na iniintay ang aming paglabas. Over kill naman yata itong si Ronn, sa bilang ko ay walo sila. Napakapit ako sa baywang ni Ronn ng mapansin ko ang isang grupo ng body guard

