"I love thee with a love that shall not die till the sun grows cold and the satrs grows old."
-William Shakespeare
Madilim na ang kalangitan ng marating ko ang hotel na kung saan meron akong accomodations. Doon rin gaganapin ang symposium bukas ng umaga. First time ko sa Palawan. Gusto ko sana muna bago mamasyal bago magsimula buksan ang simposium. Alam ko na mawalan ako ng pagkakataon kapag nagsisimula na ang pakay ko dito.
Narating ko ang hotel room na ibinigay ng receptionist. At napag-alaman ko rin na dumating na ang makaksama ko sa silid. Kumatok na lang ako at hindi na ginamit ang magnetic key. Maya maya ay binuksan ang pinto at iniluwa ang nito isang pamilyar na babae. Napangiti ako ng makilala ito. Ganoon din siya.
"Kumusta, Doc Jas!" Masiglang bati ko dito. Nagulat naman siya at binati ng mapagsino ako. Sinalubong ng yakap ito.
"Dey! Kamusta?" Masayang bati niya sa akin. Naging magkaibigan kami sa mga dating seminar at symposium na parehas naming kailangang dumalo. Natuwa kaming pareho dahil hindi namin kailangan pang mag-adjust sa mga bagong ka room mates. Nagkamustahan at nag kwentuhan kami ng ilang oras bago nagpaalam kay Jas na mayroon siyang previous commitment. Nginitian ko lang siya at binilinang mag enjoy.
"Okay ka lang bang mag isa? Pasensya na.Sumama ka na lang kaya?" Nag aalalang sabi sa akin. Umiling ako.
"Enjoy the night!" sabi ko. Habang sinasara nya ang pintuan. Nag derecho ako ng bayo at naligo. Nag suot lang ako ng isang shorts na kulay puti at tinernuhan ko ng isang simpleng asul na walang kamiseta blusa.Nag flat shoes na lang ako. Matapos kong mag-blower ng aking buhok ay sinuot ko ang friendship bond bracelet na ibinigay ni Ronn sa akin anim na taon na ang nakalilipas. Huminga ako ng mga malalim habang dinadama at nakatingin doon. "I miss you Ronn ko." bulong ko.
Bumaba ako at hinanap ko ang lounge ng hotel na kung saan sinasabing i seserve ang hapunan. Natagpuan ko naman ito. Nagpapalinga linga ako at naghahanap ng kakilala ngunit walang pamilyar na mukha ng aking nakikita. Bitbit ang pingan na may laman ng pagkain at isang basong inumin ay naghanap ako ang bakanteng upuan. Hanggang mapansin ko ang isang lugar na open space. Tinanong ko muna ung nag aasist kung pede ako roon. Pede naman daw. Mas gusto ko ang mga ganung lugar. Malapit sa kalikasan at tahimik.Lumabas ako doon bitbit ang plato at baso ng inumin. Walang masyadong tao at madilim na lugar, Humarap ako sa lugar nakita ang ilaw sa gabi.Parang nakasabog ilaw sa kadiliman, may iba ibang kulay at laki. Ang sarap ng simoy ng hanggin. Medyo malamig. Ano kasi ang trip ko at nag sleveless at shorts ako!
Nakaramdam ako ng pagka asiwa, kinilabutan ako. May nakatingin sa akin. Familiar yung feeling. Pinag kibit balikat ko iyon ng wala namang akong mapansin na kakaiba. Pagkatapos ko sa pagkain ay tumayo ako at inisyoso ang kabuan ng lugar na iyon. It's a garden! Namangha ako sa landscape ng pakaka ayos, nagtagal pa ako na nakatayo at nakatingin lang sa ganda ng paligid. Hindi ko na maintay ang umaga upang makita ko ito in broad daylight. Maya maya ay nagpasya na akong magpahinga sa hotel room dahil medjo napagod ako sa byahe.
Kinabukasan, maaga kaming naghanda ni Doc Jas para sa unang araw ng symposium. Nag suot lang ako ng isang peach dress na hanggang tuhod. Bahagya itong humakab sa katawan ko at hinubog ang hugis nito. Bumagay naman ito sa complexion ko at pansin ko na lalo akong pumuti. Hinayaan ko na lang ang aking buhok na naka lugay. Nag lagay lang ako ng baby powder at manipis na lipstick upang hindi naman ako maging maputla. Sabay kami ni Doc Jas na nag breakfast sa baba ng hotel. Pagkatapos ay tumuloy kami sa part ng hotel na kung saan naka reserve para gawin ang symposium. Nakakita kami ng bakante pang upuan malapit sa unahan. Mas prefer namin yun kasi kitang kita at dinig na dinig ang mga speakers.
Nag simula na opening ceremony at nasa ikalawang session na ng ipakilala ang next speaker. Hindi ko masyadong napansin ang ganap sapagkat nangungulit sa text si Nicco dahil kailangan dawa niya ang date sa makalawa. Pinapaliwanag ko na hindi ako makakarating sa tamang oras sapagkay sa makalawa rin matatapos ang symposium na ito.Kinabukasan pa noon ang flight ko. Nang biglang napaangat ako ng tingin sa narinig. One of the leading researchers of John Hopkins University Hospital, The Philippine's pride... Lets welcome, Ronnwald Xander Ricafort Dela Pena! Lumaglag ang panga ko sa narinig. Nakita ko ang isang anghel na bumaba mula sa langit! nanigas ako sa pagkaka upo at nag sisimulang manubig ang aking mga mata. Si Ronn ko! Ngunit agad kong napansin na may kakaiba na sa lalaking mahal ko. Very authoritative na ang kanyang aura. Matigas ang kayang tayo... mukha ng suplado. Dire direcho siya sa pag sasalita habang akoy walang naiintindihan kundi tumitig lang sa kanya. Napansin ko na napadako ang kanyang paningin sa aking kinaroroonan. Ngunit wala akong makitang ekspresyon sa kanyang mga mata.
Nang matapos na ang kanyang topic ay agad namang nagkaroon ng closing ceremony para sa unang araw. naglalabasan na ang ibang participants, ang iba naman ay nakikipag usap sa mga kakilala gaya ni Doc Jas. Tumayo ako sa aking upuan. Napansin ko na siya ay palapit...Gusto kong takbuhin siya at salubungin ng yakap. Ngunit nanatili akongnakatayo at naninigas ang katawan. Kumabog ang dibdib ko, gustong makalaya sa rib cage ko ang aking puso. Ngunit dinaanan lang nya akong parang hanggin. Parang hindi ako kilala. Naiwan akong nakatulala.Hindi pa rin makakilos.
Hinigit ako maya maya ni Doc Jas at ipinakilala sa kanyang mga kaibigan. Wala na akong naintindihan. Pilit kong inaayos ang aking sarili. Nagpasalamat ako at niyaya ako nila Doc Jas sa restroom bago tumuloy sa function room kung saan i se served ang early dinner at magkakaroon ng program para hindi naman mainip ang mga participants.
Inayos ko ang sarili ko ay pinilit na mag mukahang un affected sa naganap kanina. "Dey mamaya mo na iiyak yan." Bulong ko sa sarili habang pumapasok kami nila Doc Jas sa hall. Pagdaan namin sa isang round table, may isang midle aged man na tumayo at nakangiti sa akin. "Dr. Merredette!" bati niya sa akin at bigla akong niyakap.
"Tito!" bati ko. Sinenyasan ko muna sila Doc Jas na mauna na dahil alam ko na hindi ako papawalan ni Tito James. Nicco's uncle.
" Dito kana maupo." Aya nya sa akin, sabay tingin sa mga kasama nya sa mesa na mukhang mga VIP.
"Guys okay lang naman na dito mag join ang niece-in-law ko?" Nagtanguan ang mga nasa mesa at ang iba ay nag sabi pa na ofcourse.
I would like you to meet Dr. Merredette Evanglista,soon to be Mrs Congressman Nicolas Gorrospe, my nephew's." Pakilala nya sa akin. Tumingin naman ako sa mga naka upo sa table at nginitian sila, Ngunit napansin ko ang isa doon na may kasamang babae na tila walang paki alam sa sinasabi ni tito James....si Ronn ko!
Nice to finally meet you, ikaw ang only grand daughter ni Gov. Evangelista right?" Bati ng isa sabay tayo at inilahad ang kamay sa akin. Gumaya na rin ang iba at tila tuwang tuwa na malaman kung sino ako. "How's vice gov Aldwin doing? I am a friend of your brother!" Bati naman ng isa. Nakangiti kong sinasagot ang kanilang mga tanong.
" Hindi ba may isa pang lalaki kang kapatid? What his name nga? nasa politics din ba siya? Tanong naman ng isang naka neck tie na red na agad kong nalimutan kung sino.
" Troy po. Dati pong mayor ng San Idelfonso. Nagsawa na po sa politics nag concentrate na lang po sa business ni Lolo." Tipid kong sabi.
" So where's Cong Nicco, susunod ba siya dito?" tanong pa ng isa. tipid akong ngumiti at umiling lang.
" Naku, knowing Nicco hindi ako magtataka na maya maya ay naka sunod na yan dito ke Merredette. Hindi yata yun nakakatulog ng wala itong batang ito sa tabi." Sabay halakhak. "Oo nga madalas ko kayong makita sa BGC e. Akala ko naman kasal na kayo at hindi kayo nang imbita!" Sigaw naman ng isa. Nagtawanan sila at natahimik ako.... gusto kong isigaw, "Hindi po ako yun!" Please wag dito... napapahitya kong bulong sa sarili. Pero si Ronn nya walang paki alam at busing busy dun sa babae na parang sawa kung makalingkis.
"Tito, excuse po, punta lang po ako sa powder room." Paalam ko sa kanila habang pinipilit ngumiti.
" Babalik ka hija at malapit ng i served ang dinner natin. Ngumiti ako at tumayo na upang pumunta sa powder room.
Pagpasok ko sa loob, wala ng tao. As if na roon lahat sa hall. Tinukod ko ang aking mga palad sa lababo at tiningnan ang aking sarili sa salamin.Pilit kong kinalma.Maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki na naka suit... s**t, nagkamali ba ako ng pasok? nag aalalang tanong ko sa sarili. Naramdaman kong hinila ako nito palapit sa kanya at hinalikan... mariin... mapusok.Si Ronn ko!
Na estatwa ako at hindi makapaniwala. Napaka pamilyar ng sensasyon na aking nararamdaman sa bawat hagod ng kanyang mga labi. matagal, mapusok na akala mong sabik na sabik.Gutom na gutom na halos higupin na ang mga labi ko.Tumugon ako ng matauhan. Ipinikit ko ang aking mata at nagpadala ako sa sensasyon na bumabalot sa akin.Inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang batok. Samantalang hinahapit nya akong papalapit sa kanya. damang dama ko ang mabilis na t***k ng piso nya... o akin na iyon? Maya maya pa ay bumitaw siya. Nagdadabog ang kilos at inabot ang bag ko na nakaptong sa lababo ng banyo.Binuksan at hinuho ang laman ng bag ko. Nang makita nya ang aking cellphone ay kinuha nya ito. Ngunit napatigil at bumuntong hininga... "password?" sinabi ko ng anim na numerong konbinasyon. napatigil siya sandali at napatingin sa akin. Nakilala nya kaya ang importansay sa akin ng anim na numero na iyon? Nang makabawi ay pinindot nya pin. Muli na nman siyang napatigil. Napanganga ako...pinalitan ko iyon kahapon ng akoy nasa eroplano! Umiiling na may pinipindot sa screen. maya maya ay naka rinig ako ng ring tone. Ngunit hindi iyon sa akin. Ibinalik nya sa akin ang cellphone ko na halos habulin ko upang hindi mahulog. Umalis ng hindi man lang ako nililingon.
Naiwan akong naka tulala .... What was just happened!