"Courage is grace under pressure"-Ernest Hemingway "Papa.., Papa! Napangiti ako ng marinig ko ang tili ni Lessie. Ibinaba ko ang ang aking salamin sa mata at iniwan muna ang aking laptop na nakapatong sa dining table Ito ang maganda sa trabaho ko. Work from home lang at may sariling oras bilang isang medical transcriptionist. Ito ang naging trabaho ko ilang buwan pagkatapos kong manganak kay Lessie. Tumayo ako at sinilip ko kung paano excited inintay ni Lessie na magbukas ang pinto matapos itong magtatakbo doon matapos marinig ang pagpindot ng passcode ng pintuan. Tumatalon talon at pumapalakpak pa ito sa sobrang kasabikan na makita uli ang papa nya matapos ang ilang araw. Iniluwa ng pinto si Hendrix. Tinalon lamang ito ni Lexie at kinarga naman ito ni Hendrix. T

