"Let there be room left in your heart for the unimaginable-serendipity has a way of showing itself just when you feel like giving up."-Nikki Rowe "Pi, kamusta ang pakiramdam mo? nasakit na ba?"Excited na tanong ni Hendrix sa telepono. Napangiti ako. Consistent ang taong ito. Buti pa siya may concern sa akin. " Medyo nahihirapan na ako, mabigat na siya." Pagbabalita ko. "anong gusto ninyong pasalubong pag uwi ko hmmm? malambing nitong tanong. "Tigil tigilan mo na ang kabibili mo nga gamit ha, masyado ng marami. Mabilis mapagliliitan yun." Saway ko. Kada byahe ba naman nito ay hindi hindi uuwi na walang bitbit para sa aming mag ina. " I cant help it..." Amin nito. "Sige na kapitan, matulog ka na at ng makapahinga ka na." Pagpuptol ko sa usapan.

