"A little lie can travel halfway half way 'round the word while truth is still lacing up her boots."-Mark Twain Tahimik kong pinakikingan ang mga testimoniya ng mga lalaking hindi ko nakikilala, maliban sa isa na natatandaan ko na palaging lumalapit sa akin kapag pinasusundo ako ni Nicco. Yung laging naka alalay sa akin.Wala akong maramdaman habang ibinibigay nila ang kanilang salaysay kung paano daw kami nagkakaroon ng intimate moments. Idinidetalye habang panay naman ang tanong ni Atty. Sorriano, ang papa ni Hendrix. "Sinasabi mo sa korteng ito na si maam Dey ninyo ang kusang lalapit sa inyo kapag hindi na nakatingin si sir nyo?" tanong ni papa. "Opo." sagot naman ng isa na hindi ko talaga matandaan ang mukha. "Sinasabi mo rin na ito ay nangyayari ng maraming

