“When you are sorrowful look again in your heart, and you shall see that in truth you are weeping for that which has been your delight.”- Kahlil Gibran Nagising ako na may mabigat na kung ano sa nakadagan sa aking braso at hita. May kung ano rin na kumikiliti sa aking batok. Ilang segundo bago ko napagtanto na naka yakap at naka dantay sa akin si Ronn mula sa aking likuran.May kung ano rin akong nararamdaman sa aking balakang.Naka cuddle siya sa akin!Napangiti ako ng mapakla ng maalala ang naganap. Ipinagkanuno ako ng aking katawan! Hinayaan ko na naman na nagulo ang aking sistema kasama rin ang pag gulo ng aking buhay! Nadismaya ako sa sarili ko kung paano ako bumigay ng ganon ganon lang. Wala itong na solve sa kahit ano sa aking mga alalahanin. Bagkos ay pinalalala lang

