Pasado ala-una ng hapon pa lamang ay tapos na nilang ayusin ang mga gamit nila sa pinahiram na apartment ni Sir Jade. May dalawang kawrto ang apartment na 'yo. Ang isa ay sa kan'ya at ang isa naman ay sa dalawa niyang kapatid. Kasa-kasama rin nila si Aling Tessie na siyang magbabantay sa mga kapatid niya. Naayos na rin ni Aling Tessie ang tungkol sa paglipat ng ibang school nina gail. May form 137 at good moral na itong dala-dala na ipinakita sa kan'ya. Sa lunes ay sa ibang school na mag-aaral ang mga kapatid niya. Nagsimula na kasi ang demolition sa kabilang eskinita kaya posibleng sa susunod na linggo ay ang bahay na nama nila ang idedemolish. Tahimik sa apartment na'yon . Malayong malayo sa kinagisnan nilang bahay sa squatter. Malapit lang din ang palengke at grocery store kaya hindi

