MELTING BARRIERS #CHAPTER 10 Honey’s POV ''Good morning Honey,'' bati ni Grey. ''Hi Grey!'' bati ko. Abala ako sa mga bitbit ko kasi may starbucks pang humalo. ''Bakit ba ang dami mong dala?'' tanong nito. Hindi ako agad nakasagot dahil maraming sumakay sa elevator na agad din namang nagsilabasan. 'Kaimbyerna,' utas ko sa sarili ko dahil for sure isa lang naman ang dahilan ng paglihis ng mga tao sa elevator. ''Good Morning Sir, Ma'am,'' bati ng mga empleyado habang lumalabas. Lumabas na rin ako at nakita ko sina Sir Matt at Miss Mandy. ''Good morning ho!'' bati ko saka ako nag-give way. ''Stay Honey,'' ngiti ni Sir Matt sa akin. ''Huwag na ho, nakalimutan ko, may usapan pala kami ni Bea na maghintayan sa labas,'' palusot ko. ''Ok!'' sabi nito at umakyat na sila. ''Siya ‘yong

