MELTING BARRIERS #CHAPTER 19 Honey’s POV ''Bakit ba pakiramdam ko minamadali mo ako ha Pierre?'' Tinitigan lang ako nito matapos kong ilapag sa center table ang envelope na binigay niya. As I looked at him doon ko napagtanto na magaan ang loob ko sa kanya. It must be because we have the same blood running in our veins. ''Kung hindi pa kita pinsan, I will assume you are in love with me,'' tawa nito at ‘di man lang sinagot iyong tanong ko. Napangiwi na lang ako. Alam kong naramdaman nito ang pagtitig ko sa kanya nang matagal. Gusto kong simangutan siya pero nahahawa ako sa halakhak niya. So I laughed. At siya naman ngayon ang natulala. ''What's wrong with you?'' taas ko na ng kilay. ''I have never seen you laugh. Well I saw Madame laughed, old version mo siya pero iba pa rin kasi ku

