“Were you supposed to be at work?” Nagulat ako nang makita kinabukasan si Erik na nasa tabi ko pa rin sa kama. Kanina pa yata siya gising habang ako'y lumayo sa kaniya ng kaunti. We're still in the same position as last night. He was hugging me, while my head was resting on his chest. “I took a 5 day leave,” sagot niya. “Huh? Bakit? Okay naman na ako!” I even put my hand on my forehead to feel myself. Wala na akong lagnat. Nahiya na tuloy ako dahil alam ko ang nangyari kagabi. Kunot ang noo na umupo rin siya sa kama at pinagmasdan ako. He placed his hand on my forehead. Halos manlaki naman ang mga mata ko dahil sa init ng kamay niya sa noo ko. “See? You can leave now.” “No. May sinat ka pa rin,” masungit na sinabi niya. Ngumuso ako dahil totoo naman. “I can take care of myself.”

