Matapos ang pagdiriwang ng kaarawan ng ina ni Cameron bigla na lamang napahawak sa ulo nito ang dalaga habang impit na ungol naman ang kumawala sa bibig ni Alexandra. Habang pinagmamasdan ni Alexandra ang sarili nito sa malaking salamin sa banyo napansin na lamang ng dalaga ang pamumutla ng mukha nito. Hanggang sa impit na ungol na naman ang kumawala sa labi ni Alexandra nang muli na namang sumakit ang ulo nito na para bang pakiramdam ng dalaga ay binibiyak ito dahil sa kirot na nararamdaman nito. Kung kaya’t kagat-labi na hinawakan ni Alexandra ang ulo nito na para bang umaasa na mawawala ang sakit na nararamdaman nito. Wala namang sinayang na oras si Alexandra at mabilis na kinuha ang gamot sa loob ng bag nito na palaging dala-dala ng dalaga. Ganoon na lamang ang pagkadismaya ni Alexandr

