Hacienda Clarke - 2

1079 Words
Habol ang hininga ni Alexandra nang makarating siya sa kaniyang kwarto habang patuloy na tumatakbo sa kaniyang isipan ang senaryo na kaniyang nasaksihan kani-kanina lang. Kasabay naman nito ay ang mabilis na paghawak ni Alexandra sa dibdib niya habang dinadama ang mabilis na t***k ng kaniyang puso. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Alexandra na unti-unti nang naglalandas ang pawis sa kaniyang leeg dahil sa senaryong hindi niya inaasahan na makita. Dahil sa baguhan pa lang siya sa mansyon hindi inaasahan ni Alexandra na maling kwarto pala ang kaniyang napasukan. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita niya si Cameron na nagpaparaos sa loob ng banyo nito na siyang dahilan upang makaramdam siya ng init sa buo niyang katawan. Kung kaya't isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Alexandra dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ang malaking batuta ni Cameron. Bukod sa mahaba na ito, mataba rin ang batuta ni Cameron na siyang dahilan upang mapaisip si Alexandra kung paano ito naitatago ng binata sa loob ng boxer nito. Isama mo pa rito na pakiramdam ni Alexandra ay mawawasak ang kweba niya kapag ang batuta ni Cameron ang pumasok dito. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam na lamang si Alexandra ng pananabik sa binata, lalo na't unang beses pa lamang niyang makakita ng ganoong kalaking batuta. Kahit na ang dati niyang kasintahan ay walang sinabi sa laki ng batuta ni Cameron na siyang dahilan upang magulo ang ang isipan niya dahil sa senaryong nakita niya kani-kanina lang sa kwarto ng binata. Laking pasasalamat na lamang ni Alexandra at abala sa ginagawa nito si Cameron na siyang dahilan upang hindi siya mahuli nito na nakatingin sa malaki nitong batuta. "Ano ba 'yan, Alexandra!? Gumagana na naman 'yang kahalayan sa utak mo!" Pagkausap naman ni Alexandra sa sarili nito bago magtungo ng banyo. Dahil sa init na kaniyang nararamdaman dulot ng nakita niya sa kwarto ni Cameron, nagpasiya si Alexandra na iligo na lamang ang init na kaniyang nararamdaman. Alam ni Alexandra na unang beses pa lamang nilang magkita ni Cameron pero hindi niya maitatanggi na ubod ng gwapo ang binata. Ang labis lamang ipinagtaka ni Alexandra ay may lungkot na namumutawi sa mata nito. Hindi pa nagtagal natapos nang maligo si Alexandra at lumabas ng banyo ng huba't hubad habang abala sa pagpapatuyo ng buhok niya. Marahil sa pagod natagpuan na lamang ni Alexandra ang sarili niya na nahiga sa kama niya habang wala pa rin saplot ang katawan niya. Hindi pa nagtagal natagpuan na lamang ni Alexandra ang sarili niya na nilalamon ng kaniyang antok. Lumipas pa ang mga oras nang unti-unti nang lumulubog ang araw sa payapang kalangitan, nang dahan-dahang nagbukas ang kwarto ni Alexandra. Kasabay naman nito ay ang pagpasok ni Cameron na bahagya pang nagulat dahil sa nadatnang ayos ni Alexandra. Mula sa makinis niyang binti, kaagad na dumako ang paningin ni Cameron sa matambok na pang-upo ni Alexandra dahilan upang mapalunok ng laway ang binata. Muli na namang napalunok ng laway nito si Cameron nang mapagtanto ng binata na walang suot na kahit ano si Alexandra. "Fvck! I want to fvck her!" nahihirapang bulong naman ni Cameron sa sarili nito. Bago pa tuluyang magkasala ang binata nagpasiya na lamang itong lisanin ang kwarto ni Alexandra habang naghahabol pa rin ng hininga nito si Cameron. Ang planong paggising sana ni Cameron kay Alexandra upang kumain ng hapunan ay bigla na lamang naudlot dahil sa kakaibang nararamdaman ng binata. Kung kaya't mabilis na bumalik ng kwarto nito si Cameron habang namumula ang buong mukha nito. Akmang papasok na sana si Cameron sa kwarto nito nang bigla na lamang tawagin ni Nanay Ising ang binata dahilan upang mapatigil ito. "Utoy, kakain na tayo 'di ba?" Bakit papasok ka na naman sa kwarto mo? Akala ko ba ikaw na ang gigising kay Alexandra?" sunod-sunod na tanong naman ni Nanay Ising kay Cameron. "May gagawin lang ako saglit, Nanay Ising. Susunod na lang ako sa hapagkainan." "Ganoon ba, Utoy. Dalian mo lang kasi lalamig ang pagkain ninyo." Isang tango na lamang ang naisukli ni Cameron kay Nanay Ising bago mabilis na pumasok sa kwarto nito. Kasabay naman nito ay ang paglabas ni Alexandra sa kaniyang kwarto na humihigab-higab pa bago mag-unat ng kaniyang kamay. Suot ang isang sando at maikling short sumabay sa pagbaba si Alexandra kay Nanay Ising na nakangiti lamang sa kaniya. Pagkarating pa lamang ni Alexandra sa hapagkainan kaagad na napakunot ang noo niya nang makita niya ang isang babae na prente nang nakaupo na para bang may hinihintay na bumaba mula sa taas. Mabilis namang napataas ang isang kilay ni Alexandra nang mapansin niya ang paghangod ng tingin sa katawan niya ng babaeng mukhang hindi siya gustong makita. "Who is she, Nanay Ising?" maarteng tanong naman ng babaeng nasa harapan ni Alexandra. "Siya nga pala si Alexandra, Krisha. Mula ngayon dito muna siya mananatili," sagot naman ni Nanay Ising. "Bakit dito siya titira? Alam na ba 'to Sir. Cameron?" may kataasan ang tono na tugon pa ni Krisha kay Nanay Ising. "Would you please lower down your voice, Miss!? You're hurting my ears you know! Cameron knew already that I'm staying here so stop your nonsense!" Pagsingit naman ni Alexandra sa usapan nina Nanay Ising at Krisha. "Ayoko ng tabas ng dila mo, Alexandra! Huwag kang umasta na parang sa iyo ang mansyon na 'to!" naiiritang tugon pa ni Krisha kay Alexandra. "Puwes ayoko rin sa iyo! Kung makaasta ka akala mo kung sino ka! Kung ayaw mong makita ang mukha ko dito sa mansyon pwede ka namang umalis!" nang-iinis pang litanya ni Alexandra kay Krisha. "Ikaw ang umalis dito!" Sa halip na pansinin pa ni Alexandra ang nanggagalaiting si Krisha nagpasiya na lamang siyang magsimula sa pagkain habang nang-iinis na nakatingin pa rin sa gawi ni Krisha. Hindi pa nagtagal ay bumaba na rin si Cameron mula sa kwarto nito na bagong paligo na. Dahil sa mas gustong asarin ni Alexandra si Krisha nakangiti niyang pinagmasdan si Cameron bago kausapin ito. "Cameron, dito ka na maupo sa tabi ko." Isang tango naman ang nagawa ni Cameron bago umupo sa tabi ni Alexandra. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Alexandra ang inis na bumakas sa mukha ni Krisha na siyang ikinatuwa niya. Ang akala niyang nakakainip na pagbabakasyon sa Hacienda ni Cameron ay bigla na lamang nagbago, sapagkat hindi inaasahan ni Alexandra na may pagkakaabalahan na siya sa mansyon. "Mukhang magiging maganda ang pagbabakasyon ko sa mansyon ni Cameron," saad naman ni Alexandra sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD